Advertisers

Advertisers

EDSA REHABILITATION PROJECT, WALA PANG ISANG TAON SIRA NA?

0 3

Advertisers

Muling nabuksan ang usapin sa kalidad ng EDSA rehabilitation project matapos maiulat na ilang bahagi ng kalsadang isinailalim sa road reblocking ay nagkaroon na agad ng mga lubak at pagkabakbak sa kabila ng bagong pagkakagawa nito.

Batay sa ulat ng 24 Oras, kabilang sa mga apektadong lugar ang ilang seksyon ng EDSA Busway at mga bahagi ng Phase 1 ng road reblocking project na sinimulan noong bisperas ng Pasko noong nakaraang taon.

Tinatayang aabot sa P1.2 bilyon ang halaga ng naturang proyekto.

Dahil dito, binatikos ni veteran broadcaster Jay Sonza ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ni Secretary Vince Dizon.

Sa kanyang social media post, kinuwestiyon niya kung bakit nagkaroon agad ng sira ang ilang bahagi ng EDSA sa kabila ng malaking pondong inilaan para sa rehabilitasyon.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Dizon kaugnay sa mga batikos at sa ulat hinggil sa kondisyon ng ilang bahagi ng pangunahing lansangan sa Metro Manila.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com