Advertisers

Advertisers

Cong. Marcos may ibinunyag, at buwagin nalang ang Senado

0 5

Advertisers

SA isang programa, isiniwalat ni Ilocos Norte Representative Sandro Marcos ang umano’y mga kondisyon ng Duterte administration noong 2022 kapalit ng suporta sa presidential bid ng kanyang ama, Ferdinand Marcos, Jr.
Ayon kay Sandro, panganay na anak ni Pangulong Bongbong, nang humingi ng suporta sa Malacañang ang kanyang ama, pinatawag sila at mga dalawang oras silang naghintay at nakatambay lamang.
Sa halip na ang Pangulo (Rody Duterte) noon ang kanilang makaharap, tatlong tao ang humarap sa kanila at nagtanong tungkol sa plano ng kanyang ama.
“We were put in front of three people, and they essentially, you know, asked, ‘Anong plano mo? Anong magagawa mo para sa amin?’,” tanong daw sa kanila nung tatlong opisyal ni Digong.
Ayon pa kay Sandro, isa sa mga taong humarap sa kanila ay  nakaupong opisyal ngayon.
“Sinabi niya kay Pangulo na, ‘Sige, suportahan ka namin on the condition that kami ’yung mamimili ng ES (Executive Secretary), kami ’yung mamimili ng Speaker, kami ’yung mamimili ng Senate President, kami ’yung mamimili ng Secretary of… basta marami silang hiningi,” paglalahad ng batang Marcos sa mga sinabi ng tatlo.
Pag-alis nila sa Palasyo, ayon kay Sandro, tumingin ang kanyang ama (BBM) sa kanya at sinabi: “Alam mo, kulang na lang p*patayin na nila ako.”
Kilalang hindi gumagawa ng kuwento si Sandro. Kaya naniniwala ako sa kanyang ibinunyag na ito sa panayam ng media.
Actually, isa sa mga rason kung bakit naghiwalay ng landas ang Marcos at Duterte after two years ng kanilang administrasyon ay dahil hindi nga ibinigay ni PBBM ang gusto ng kampo ni VP Sara.
Ang kampo ni Sara at maging si Sara mismo ay kilala ngayong mananahi ng mga maling detalye na ipinagkakalat ng kanilang mga bayarang trolls at vloggers.
Ang mga maling gawain noon ng kanyang ama ay ibinabato niya ngayon kay PBBM.
Anyway, madali lang naman malaman ang katotohanan eh, nakarekord lahat ‘yan sa Google. Just search it, mga bossing!
***
“Gastos lang ang Senado”.
Ito ang sinabi ng kilalang abogada na si Lorna Kapunan. Aniya, kung mahalal siya, magpapasa siya ng batas para buwagin na ang Senado. Kabilang ito sa kanyang plataporma nang tumakbong senador noon. Kaso natalo siya. Hehehe…
“I would say that, you know, this Senate, if I get elected I’ll pass a law to abolish the Senate,” diin ni Kapunan sa isang panayam.
Kinuwestyon din niya kung sino ang kinakatawan ng mga senador: “Anong constituency ng Senate? The whole Republic? Who are they representing? What for?”
Sinabi rin ni Kapunan na nagiging magastos ang proseso ng paggawa ng batas dahil dumaraan sa House of Representatives, Senado, at bicameral conference committee.
Sa kanyang pananaw, hindi na kailangan ang Senado pagdating sa paggawa ng batas. Mismo!
Buwagin na ang Senado! Bilyones pork barrel nila!