Advertisers

Advertisers

23 years na po ang Police Files TONITE

0 122

Advertisers

MALIGAYANG kaarawan sa aming tabloid na pahayagang nasyunal.
Opo! 23 TAON NA ngayong namamayagpag ang Police Files TONITE sa kabila ng napakahigpit ng kompetisyon sa larangan ng newspaper industry lalo ngayong nasa digital age tayo, kungsaan lahat ay maari nang mag-post sa social media ng mga nangyayari sa paligid at napupuna sa mga taong gobierno.
Pero, siempre iba parin ang mainstream media, walang fake news, mapagkakatiwalaan sa mga balita at komentaryo. Dahil ang pinangangalagaan namin ay pangalan at integridad. Mismo!
Maraming maraming salamat po, mga suki, newspaper dealers, advertisers, at sa ating mga reporter sa buong kapuluan.
Pramis! Pagbubutihin pa namin ang paghahatid sa inyo ng mga balita sa print at social media.
God bless sa ating lahat!!!
***
Kumpirmadong nangibang bansa na ang mag-inang Senador Loren at Batangas Congressman Leandro Legarda-Leviste sa kasagsagan ng mga imbestigasyong ginagawa laban sa kanila hinggil sa umano’y ghost electricity na nagkakahalaga ng bilyones.
Bukod dito, si Leandro ay isinasangkot sa nabuking na planong sex scandal laban kay Executive Secretary Ralp Recto.
Ayon sa NBI, lumipad ang mag-ina patungong Hong Kong kamakalawa at bibisita sa 12 bansa hanggang Setyembre. Humingi pa raw ng extension si Leandro. Hmmm… Babalik pa kaya sila? Baka gayahin nila si dating Congressman Zaldy Co na nagpaalam lang magpagamot sa Amerika last quarter ng 2024 pero hindi na nakabalik hanggang ngayon, matapos masangkot sa ghost flood control.
Kung tatagal ang mag-ina ng maraming buwan sa ibang bansa, paano na ang pagiging Senator-Judge sa Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte?
Oo nga! Ilang senador na ang nalagas. Sina Senador Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta nakakulong sa Plunder. Si Sen. Bato dela Rosa nagtatago dahil sa arrest warrant ng ICC. Ang magkapatid na Alan at Pia Cayetano hindi na sumisipot sa trial dahil busy yata sa kahahanap ng ebidensiya pangontra sa mga inaakusa ni Sen. Ping Lacson na ghost projects sa Taguig City, at pag-iimbestiga ng NBI sa nawawalang bilyones na pondo noong 2019 SEA Games.
Si Sen. Bong Go, posible din  maisyuhan ng arrest warrant ng ICC dahil sa pagiging “co-perpetrators” ni ex-Pres. Rody Duterte sa kasong crimes against humanity.
Si Sen. Robin Padilla nahaharap naman sa kasong pagtakas kay Bato sa kostudya ng Senado noong Mayo 14 ng taon.
Pero bailable naman itong kay Padilla.
‘Pag nagkataon, anim hanggang pitong senador out of 24 ang mawawala sa pagboto sa impeachment laban kay Sara. Eh 16 boto ang kailangan para masibak si Sara sa pagka-Bise. Naku!
Ito ang naging bunga ng pagiging abusado sa paghawak sa pondo ng publiko at pagiging “tuta” ng presidente nila noon.
Dapat kasi, ‘pag nahalal sa puwesto sa taongbayan, sa bansa magserbisyo, hindi sa isang tao o isang pamilya.
Mabulok kayo sa bilangguan, mga kulimbat!