Advertisers

Advertisers

RISA, ALICE GUO, POGO (2)

0 6

Advertisers

LINAWIN lang. Noong siya ang pangulo, suportado ni Gongdi ang mga kompanyang POGO na dumagsa sa bansa na parang kabute sa tag-ulan. Sinilip at isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros ang kanilang mapanganib at mapinsalang operasyon. Ituloy namin ang aming salaysay.

May mga bagay na hindi nakita ng NBI at PAOCC nang siyasatin nila si Alice Guo. Isa sa mga ito ang tunay na pagkatao at pagkakakilanlan (identity) ni Alice Guo. Hiniling ni Risa sa NBI Forensic na ihambing ang mga fingerprint ni Alice Guo, alkalde noon ng Bamban, Tarlac, kay Chinese national Guo Hua Ping na pumasok sa bansa noong 2003 bilang isang bata.

Nagkabukingan dito. Nahuli na mayroon identity fraud si Guo dahil pareho sila ng fingerprint ng batang Chinese national. Hindi ito napabulaanan ni Guo kahit matindi ang giit niya na Filipino siya. Alalahanin na mahusay siyang magsalita sa wikang Tagalog. Marunong din siya ng Kapampangan dahil lumaki siya umano sa bahagi ng Tarlac na Kapampangan ang wika.

Sa magkahiwalay na siyasat ng komite ni Risa at PAOCC, nakilala ang mga kompanya ni Guo – QJJ Farm at Baofu Land. Binili niya ang malaking lupain ng Baofu Land kahit bago siya yumaman at kahit wala siyang malinaw na pinagkitaan.

Marami ang nagtaka na marami siyang ari-arian tulad ng helicopter at makabagong sasakyan. Hindi sila naniniwala na sa piggery galing ang ipinambili ng mga mamahaling ari-arian. Sa pagsusuri ng komite ni Risa nalaman ang kaugnayan si Guo sa POGO. Mula sa mga nahuling SEC papers, nalaman na isa si Guo sa mga nagtatag ng Hongsheng Gaming na naging Zun Yuan. Ito ang kompanyang ni-raid bilang POGO hub sa Bamban.

Ikinuwento ng mga ilang saksi na may naganap na human trafficking sa Bamban dahil hindi pinapayagan ang mga manggagawa doon na lumabas at umalis. Mayroon mga babae na isinubo sa prostitusyon doon at parukyano ang mga boss ng POGO. Hindi lang illegal gambling ang sakdal sa mga nahuli kundi qualified trafficking.

Isiniwalat ni Risa na may anggulong national security ang problema sa Bamban. Binanggit niya ang husay at galing ng mga dayuhan na kumuha ng mga pekeng live birth certificate na kadalasan ay late registration upang palabasin na Filipino citizen sila.

Binanggit ni Risa ang isyu kay Guo na nakakuha ng pekeng birth certificate upang palabasin na Filipino citizen siya. Umugat ito sa korapsyon, aniya. Delikado ang bansa dahil kahit sinong dayuhan ay naging Filipino citizen, aniya. Tumakbo sa pulitika si Guo at nagwaging alkalde.

Sumailalim sa imbestigasyon ng komite ni Risa si Guo. Noong Hulyo, 2024, nag-isyu ng arrest warrant ang komite ni Risa, ngunit tumakas sa Malaysia at lumipat sa Indonesia. Iginiit ni Risa sa BI, DFA, at Senado ang agarang siyasat kung paano siya tumakas. Nahuli si Guo noong ika-4 ng Setyembre, 2024 sa Tangerang, Indonesia. Agad siyang ibinalik sa Filipinas.

Noong Nobyembre, 2025, hinatulan ng Tarlac RTC si Guo na maysala ng qualified human trafficking sa ilalim ng Anti-Trafficking Act. Nahatulan siya ng life imprisonment. May iba pang sakdal na hinaharap si Guo: money laundering, tax evasion, falsification.

“Malaking panalo ito kontra trafficking at POGO crimes,” ani Risa. Inirekomenda ni Risa ang pagsumite ng sakdal sa mga opisyales na nagbigay ng proteksyon kay Guo ay pumayag sa mga deal sa pagbebenta ng lupa sa kanya.

Alalahanin na kinilala ang matagal na hinihingi ni Risa tungkol sa mga kompanyang POGO. Sa kanyang SONA noong 2024, tuluyang ipinagbawal ni BBM ang operasyon ng lahat ng POGO sa bansa. Total ban ang kanyang utos.

Sa mikli, hindi ang PAOCC, hingi ang NBI, kundi ang komite ni Risa ang unang umanggulo na hindi “gaming issue” ang POGO kundi malawakang isyu laban sa women/trafficking issue at hindi maaaring bigyan ng piyansa para sa panandaliang kalayaan ang sinuman inaakusahan.

Si Risa Hontiveros ang pangunahing arkitekto sa pagbagsak ni Alice Guo. Hindi ito mapasinungalingan

***

MARTES ng gabi ng kumalat ang haka-haka na nahuli umano si Bato dela Rosa at nakatakdang dalhin sa The Hague upang mapanagot sa madugo pero palpak na giyera kontra droga ni Gongdi noong siya ang pangulo. May nagpadala sa akin ng video clip. Sinuri namin ang video pero hindi kaya authenticated at hindi namin kilala ang nagpadala, hindi namin ginamit at ipinaskel sa aming account sa social media.

Kinabukasan, sinabi ni Press Undersecretary Claire Castro na hindi totoo ang balita at paraan ito ng kampo ni Misfit Sara upang iligaw ang atensyon ng bansa sa impeachment trial kung saan nadidiin si Misfit sa kanyang pagwaldas sa salapi ng bayan. Hindi mapasusubalian ang impresyon na dinambong ni Misfit ang pera ng sambayanan dahil wala siyang maipakita na malinaw na katibayan na ginastos ng maayos ang confidential fund na dumaan sa kanya.

Alam ng Malacanang ang laro ng kampo ni Misfit. Abangan.

***

DIRETSONG usapan lang. Sabihin na ninyo ang gusto ninyong sabihin pero hindi maikakaila na naisahan ni BBM si Misfit Sara. Pinakagat siya na magkakamal siya ng salapi kapag siya ang bise presidente ni BBM. Ganoon na nga nangyari. Bumalong ang pera sa anyo ng confidential fund na inilaan at natanggap ni Misfit.

Ang hindi alam ng tanga at mangmang ng Inferior Davao ay may laman itong bomba na sasabog sa mukha niya. Sa sobrang kasuwapangan, hindi alam ni Misfit na may kalakip na dapat gawin pagkatapos natanggap at kunin ang salapi ng bayan sa anyo ng confidential fund. Kailangan sundin ni Misfit ang mga auditing requirement ng Commision on Audit.

Basta ibinulsa. Hindi sinunod ang auditing procedure. Ngayon, hirap na hirap magpalusot ang hunghang na bise presidente ng Inferior Davao. Hindi mabigyan ng katwiran ang kawalan ng mga makatotohanang katibayan at resibo upang patunayan na ginamit ang confidential fund ng naaayon sa alituntunin ng batas. Sumabog ang bomba sa mukha niya dahil sa matinding pagkagahaman. Hindi siya maka-recover.