Advertisers
By NONIE V. NICASIO
AMINADO ang sexy actress na si Roxanne de Vera na wala siyang limitations pagdating sa pagpapa-sexy at pagpapatakam sa mga manonood sa VMX app.
Esplika niya, “Wala naman akong limitation pagdating diyan, since I entered Vivamax, working professionally lang talaga ang gusto kong gawin.
“But I stay away myself to be friends with Vivamax boys, hahahaha! After ng shooting namin ay uwi na agad ako, no after party with co-actors, lalo na sa mga lalaki.”
Si Roxanne ay nakagawa na ng tatlong pelikula sa VMX. Kabilang dito ang “Next Room Affair,” “Paalam, Salamat,” at “Puri For Rent.”
Sa tatlong pelikulang nagawa niya, ano ang pinaka-daring siya?
Tugon niya, “I think iyong Puri For Rent, kasi iyon ang pinakamadami akong scenes.”
Ano ang ‘nasilip’ sa kanya rito ng suki ng mga VMX?
Aniya, “Sa movie na iyan, I did girl to girl bed scene. It was my first time to kiss a girl with Aiko Garcia… so this movie is a challenge for me talaga.”
Samantala, ang next na pelikulang aabangan naman sa aktres sa VMX ay pinamagatang “My Hentai Girlfriend.”
“I’m Bella here sa movie, na naka-hook up ni Gold Aceron… in short I’m one of his girls,” sambit pa ni Roxanne.
Sa vital statistics ni Roxanne na 34-25-36, maraming barako ang naglalaway sa kanyang taglay na hotness. Kaya hindi naman kataka-taka kung ang talent na ito ni Lito de Guzman ay maging pantasya ng maraming boys.
Ano ang payo sa kanya ng manager para maging maganda ang takbo ng kanyang showbiz career?
Pahayag ni Roxanne, “Si Nanay Lito, lagi niyang sinasabi sa akin na galingan ko dapat sa lahat ng bagay at be humble at all times, iyon po ang payo niya sa akin.”