Advertisers
BINAWI ng lima sa tinaguriang 18 “Maleta Boys”, o ang mga indibid-wal na nagpakilalang dating bodyguards ni dating Congressman Zaldy Co, ang kanilang mga naunang sinumpaang salaysay tungkol sa “pag-deliver” ng mga maleta ng pera sa mga kilalang indibidwal, opisyal ng gobiero at dati at kasaluku-yang politiko.
Batay ito sa mga bagong affidavit nina Benny Bulontate, Belnard Tube, Jeron Gaveria Balderama, Rosebert Macasasa Waupan, at Ceci-lio Serafica Larroder, Jr.
Sa kanilang mga affidavit na nilagdaan nitong huling linggo ng Hulyo at unang linggo ng Agosto, isiniwalat ng grupo na hindi mula sa kanilang sariling kagustuhan ang mga naunang dokumentong naisumite sa mga awtoridad.
Kabilang sa mga inilahad ng ‘Maleta Boys’ ang umano’y matinding pamimilit, banta, at takot na kanilang hinarap sa mismong opisina ng Ombudsman, kungsaan si-nabihan umano silang ikukulong at kakasuhan ng plunder, bribery, perjury, at falsification kapag hindi sila pumirma sa mga nakahanda nang dokumento.
Aminado rin sina Bulontate, Waupan, at Balderama na wala silang direktang kaalaman sa mga sinasabing “basura” o maleta ng pera, dahil ang tunay lamang nilang trabaho ay magsilbing close-in security detail.
Isiniwalat naman nina Larroder at Tube na napangakuan lamang sila ng malalaking ha-laga ng pera upang sumama sa isang gawa-gawang “blackmail scheme” o pangingikil laban sa mga kilalang politiko.
Nguni’t nang maaresto ang kanilang mga “handler” at humantong ang usapin sa away-politika, minabuti nilang magsalita na ng katotohanan para sa seguridad at kapayapaan ng kanilang pa-milya.
Batay sa mga affidavit, kasama sa itinuturo nilang mga “handler” ay sina Atty. Levito Baligod, dating Cong. Mike Defensor, at Senador Rodante Marcoleta, na umano’y namahala sa paghahanda ng kanilang mga kailangang sabihin sa media at maski ang susuo-ting damit.