Advertisers

Advertisers

5 kabaong ikinalat sa Metro Manila

0 4

Advertisers

LIMANG kabaong ang nakita sa iba’t bang bahagi ng Metro Manila nitong Bi-yernes, Agosto 7.
Isa sa mga kabaong ay iniwan sa Boy Scout Circle sa Quezon City at natagpuan 3:00 ng madaling-araw. Naglalaman ito ng mga larawan ng dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal, poster na may nakasulat na “Chinese Communist Party”, “Greedy”, at “Salot”.
Kasama rin dito ang isang pulang bandilang may katagang “Chinese community”.
Batay sa CCTV, dalawang lalaki at isang babae ang dumating sakay ng puting van bago iniwan ang kabaong.
Katulad na mga kabaong ang natagpuan din sa Makati, Caloocan, at Maynila.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya kung magkakaugnay ang mga insidente at sinusuri ang mga CCTV footage at iba pang ebidensya upang matukoy ang mga responsable
Nagdulot naman ng iba’t- ibang espekulasyon sa mga netizen ang paglitaw ng ka-baong sa pampublikong lugar, may nagsabing para ito sa China na walang tigil na na-ngangamkam ng islang pagmamay-ari ng Pilipinas, dahil naman rin napansin din nilang mga singkit at tila mga Tsino ang mga ito lalo na’t may kabaong ding namataan malapit sa may Chinese Consulate o Embassy sa Bel-Air, Makati, at iba pang lugar sa Metro Manila na may mga nakatira o ‘di kaya’y negosyong Tsino ang nagmamay-ari
Inaalam kung may CCTV nakahagip sa pag-iwan ng kabaong. Hinihikayat ang sinumang may impormasyon kaugnay sa insidente na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang makatulong sa isinasagawang im-bestigasyon.
Samantala, pinakilos na ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr.,ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para masusing imbestigahan ang limang abandonadong kabaong sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila
Kasalukuyang nire-review ng NCRPO ang mga CCTV footages upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga res-ponsable.
Iginiit ng NCRPO na hindi palalampasin ng pulisya ang naturang insidente,.