Advertisers

Advertisers

Julie Anne San Jose suwerte kay Rayver Cruz

0 2

Advertisers

By Anne Venancio

Mukhang mas tumitibay pa ang relasyon nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz habang tumatagal. Sa pinakabagong episode ng TRGGRD! podcast, hindi napigilan ng Kapuso singer-actress na ibahagi kung gaano siya kasaya at ka-thankful sa boyfriend.

Ayon kay Julie Anne, kahit madalas sabihin ni Rayver na siya ang masuwerteng partner, naniniwala siyang pareho silang pinagpala sa isa’t isa. Aniya, mabait, mapagbigay, supportive, at laging nagbibigay-inspirasyon si Rayver kaya lalo niya itong hinahangaan.

Ibinahagi rin ng Asia’s Limitless Star na matagal na siyang fan ng aktor at proud siya sa bawat achievement nito, maliit man o malaki. Para sa kanya, walang kompetisyon o insecurities sa kanilang relasyon dahil pareho nilang ipinapakita ang respeto, tiwala, at pagmamahal sa isa’t isa.

Dagdag pa ni Julie Anne, nagsimula muna silang maging magkaibigan kaya naging matibay ang pundasyon ng kanilang relasyon. Hanggang ngayon, bukas pa rin sila sa isa’t isa sa lahat ng bagay.

Halos limang taon nang magkasintahan ang dalawa, at para sa kanilang mga tagahanga, patuloy silang nagbibigay ng #CoupleGoals sa pamamagitan ng isang relasyon na puno ng suporta, tiwala, at pagmamahal.