Advertisers

Advertisers

Mayor Isko ipinag-utos na bumuo ng Manila School and Community Task Force

0 7

Advertisers

Inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang Manila Police District katuwang ang School Division na bumuo ng Manila School and Community Task Force .

Ito ay matapos lagdaan ng alkalde ang Executive Order No. 29, Series of 2026 na layong maiwasan ang karahasan at mga hindi inaasahan sa mga pampublikong lugar at paaralan sa lungsod.



Sa State of the City Address ni Yorme Isko, sinabi nito na ang binuong task force ang magiging daan para sa kaligtasan ng lahat at maging panatag ang bawat isa hanang nasa lungsod ng Maynika.

Sa ilalim ng kautusan, inatasan ang Manila Police District (MPD) at Schools Division Office of Manila na paigtingin ang operasyon laban sa mga iligal na armas.

Pinabubuo rin sila ng threat assessment teams at magsadagawa ng citywide School Safety Audit sa loob ng susunod na 90 araw. (Jocelyn Domenden)