Advertisers

Advertisers

Baby tinangay sa ospital sa Davao

0 4

Advertisers

ARESTADO ang isang babae na tumangay ng tatlong buwan gulang na sanggol mula sa isang ospital sa Davao City.

Ayon sa babae, hiniram lamang niya ang sanggol upang ipakita sa live-in partner dahil nawalan siya ng anak.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na nanghihingi ng breastmilk ang babae mula sa nanay ng bata.



Ngunit nang kunin ng babae ang gatas, itinakas niya ang sanggol.

Nadakip ang babae sa bahay nito sa Davao City, habang nabawi ang sanggol.
Mahaharap ang babae sa reklamong kidnapping.

Nilinaw ng pamunuan ng ospital na wala silang naging pagkukulang at mahigpit ang kanilang ipinapatupad na seguridad.