Bachmann at Sen. Tol, masaya sa tagumpay ng ROTC Games qualifier
Advertisers
IKINATUWA nina Senador Francis “Tol” Tolentino at Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann ang pagkaabot sa obhektibo sa isinagawang apat na qualifying legs na nagsisimbolo sa matagumpay na pagsasagawa sa unang edisyon ng Philippine Reserve Officers Training Corps (PRG) Games.
Nagpasalamat sina Tolentino at Bachmann sa tagumpay ng apat na qualifying legs sa pagtatapos ng huling leg sa NCR habang agad naghahanda na ang organizing committee para sa pagtatanghal ng National Finals na gaganapin sa Oktubre 22-27 sa Rizal Memorial Sports Complex.
“As we have reached the last leg of regional qualifiers and brace up to the national finals on October 22 to 27, I firmly believe that these victorious regional legs were a great testament to both Senator Tolentino and the PSC’s dedication to fortify discipline among our young talents,” sabi ni Bachmann na siyang Guest of Honor at Speaker sa napuno na closing ceremonies ng NCR leg sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang ROTC Games, na naglalayong palakasin ang pagkakaisa at disiplina ng mga kadete sa military sa buong bansa, ay nagsimula sa Visayas leg noong Agosto 13 hanggang 19 sa Iloilo City at sinundan ng Mindanao leg noong Agosto 27 hanggang Setyembre 2 sa Zamboanga City at Luzon leg noong Setyembre 13 hanggang 23 sa Tagaytay City.
“These games are not merely competitions, they are a reflection of the dedication, determination and teamwork that our ROTC cadets demonstrate day in and day out. To our cadet-athletes, may this tournament mold you more better in exemplifying the spirit of camaraderie and teamwork – the qualities you can embody both in sports and military service,” dagdag ni Bachmann.
Sa kanyang bahagi, inamin ni Senador Tolentino, na prime mover ng ROTC Games, na nakararanas sila ng ilang kahirapan kabilang na ang mga problema sa logistical sa nationwide competition na nilahukan ng mga kadete mula sa Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Air Force sa buong bansa.
“Kahit dumaan din tayo sa ilang problema pati na sa logistics, pero malalampasan natin lahat ng ito. Dadalhin nation ang mga winners mula sa Visayas at Mindanao dito sa Maynila para ipakita natin sa buong bansa na buhay na buhay ang ROTC,” sabi lamang ni Tolentino.
Nagtala naman ang Army Cadet-athletes sa pagwawagi ng kabuuang 20 ginto, 20 pilak at 16 tanso dahil marami silang inilahok habang ang Air Force ay nanirahan sa 15-15-11 ginto-pilak-tanso at ang Navymen ay nakakuha ng 14 na ginto, 14 na pilak at 14 na tanso sa dulo ng NCR leg.
Inihayag din ni Tolentino na pinaplano nilang isagawa ang opening ceremonies ng National Finals sa makasaysayan na Quirino Grandstand sa Luneta, Manila.
Kinumpirma rin ni Tolentino ang paglipat ng venue para sa national finals mula sa orihinal na plano sa Marikina City patungo sa Rizal Memorial Sports Complex sa kahabaan ng Vito Cruz St. sa Malate, Manila sa Oktubre 22 hanggang 27.
Ang ROTC Games ay isang kolaborasyon sa pagitan ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines gayundin ng Philippine Sports Commission at Commission on Higher Education.