Advertisers
NATIMBOG ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki nang ipagharap ng patong-patong na kaso na may kinalaman sa “sextortion”.
Ayon sa NBI- Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD), nakilala ang lalaki na si Oliver Soriano Torres.
Inireklamo si Torres ng mga kasong Sextortion, Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, Anti-Violenxd Against Women and Their Children Act of 2004 na pawang kaugnay sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Kinasuhan din si Torres ng ‘Rape by Sexual Assault’ nang takutin na i-upload ang ipakalat ang sex videos at nude photos nito kapag tumanggi makipagkita.
Patuloy umano na tinatakot ni Torres ang complainant at inutosan pa itong makipagkita sa kanyang apartment sa Las Piñas City kamakailan, dahilan para dumulog at magpasaklolo sa NBI-AOTCD.
Sa apartment ni Torres, inabutan ito ng mga operatiba ng NBI na half naked at nakalabas ang kanyang ari. Nakuha sa kanya ang 1 laptop, 3 cellphones, at company I.D.
Isinalang na sa inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor sa Las Piñas City si Torres. (Jocelyn Domenden)