Libreng Sakay nakakasa na sa Maynila para transport strike
Advertisers
SINABI ng lokal na pamahalaan ng Maynila na naka- antabay na ang mga emergency vehicles at e -trikes para magkaloob ng “libreng-sakay” sa mga commuters na posibleng ma stranded dahil sa ipatutupad na transport strike ng grupong Manibela at PISTON.
Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna nakikipag ugnayan na ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa Metro Manila Development Authority(MMDA) para sa pag monitor ng ikakasang transport strike.
Sinabi pa ni Abante na ilalagay ang mga emergency vehicles at e-trikes sa mga lugar na apektado ng transport strike.
Samantala walang pang anunsiyo ang lokal na pamahalaan kung sususpindihin ang klase sa mga paaralan sa Maynila.
“As to announcements for class suspension, wala pa pong announcement. The Mayor is coordinating with the Division of City Schools – Manila on this, “pahayag ni Abante.
Tiniyak naman nito na kaagad na magbibigay ng updates kapag mayroon nang desisyon para suspendihin ang klase. (ANDI GARCIA)