Advertisers

Advertisers

Tserman at mga kagawad ng Brgy. Kaligayagan pinadi-diqualify sa Comelec

0 4

Advertisers

Sinampahan ng disqualification case sa tanggapan ng Commission on Election sina Alfredo ‘Freddy’ Roxas na tumatakbo bilang Brgy. Captain, Kris Roxas-Aliento, Pedro Mahusay, Arnel Gabito, Butch Rosales, Perla Adea, Alex Rivera at Sofronio Grimaldo na pawang mga tumatakbo bilang barangay Kagawad sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa reklamo nina Rey Miranda, Marvin Miranda at Ronald Go nagsampa ng reklamo ang mga ito dahil sa maagang pangangampanya umano ng kanilang mga sinampahan ng reklamo kahit na wala pa ito sa campaign period.

Nabatid sa kanilang mga sinumpaang salaysay nagkaroon umano ng pagtitipon ang SAPIKA Homeowners Association noong September 9, 2023. Nakita raw sa pagtitipon na iyon sina Alex Rivera, Perla Adea, Pedro Mahusay, Arnel Gabito, at Butch Rosales na pawang mga kandidato sa pagka-kagawad ngayong Barangay Election.



Nakita rin daw ang mga ito na nakikipagkamay at nakikipagsalamuha pa sa mga tao sa singing contest. Para makuha umano ang dalawang kagawad ng simpatya ng mga tao, ay hinarana pa raw ni Kgwd. Adea ng kantang ‘I Beleive’ ang mga dumalo, habang si Kgwd. Mahusay naman ay inawitan din sila ng kantang ‘Bakit ngayong ka lang’. Nakuha pa raw ng mga kagawad na dumalo na maging hurado sa singing contest. Kahit labas na ito sa kanilang mandato bilang mga halal na opisyal ng barangay.

Bago pa raw magsimula ang singing contest, ay isa-isa silang tinawag sa intablado para magtalumpati na animo’y mga nangangampanya sa mga residente ng Brgy. Kaligayahan na dumalo sa pagtitipon.

Nabatid pa na isa pa sa naging basehan ng pagsasampa ng reklamo sa Comelec ay ang nagkalat na mga posters, stickers, at iba pang campaign paraphernalia nina Alex Rivera, Perla Adea, Pedro Mahusay, Arnel Gabito, at Butch Rosales sa Barangay Kaligayahan.

Kaugnay nito ang complainant na si Rey Miranda, ay nagsampa naman ng reklamong disqualification sa Comelec si Brgy. Captain Alfredo Roxas, Kgwd. Kris Roxas at Sofronio Grimaldo dahil din sa paglabag sa premature campaign. Nagkalat din umano ang mga tarpaulin ni Kap. Roxas at Kris Roxas sa iba’t ibang transport services sa lugar. Nagawa pa rin daw ni Kapitan Roxas at kanyang anak na si Kris Roxas na mag-facebook live at nagawa pa raw na kantahan ang kanyang mga supporters.

Samantala sa ibang pagtitipon naman sa Brgy. Kaligayahan, ay nagawa pa raw na magregalo ng ‘lechon’ ni Kapitan Roxas sa isang kandidatong Kagawad na si Nap Gabad.



Kasama rin sa sinumpaang salaysay ni Miranda ang umano’y pamamahagi ng mga t-shirts sa mga residente ng Brgy. Kaligayahan na isang paglabag at uri umano ng vote buying.

Samantalang si Sofronio Grimaldo na isa ring kandidato sa pagka-kagawad ng Brgy. Kaligayahan ay ipinagmalaki pa umano sa social media ang kanyang ginagawang pamimigay ng cake sa residente ng Brgy. Kaligayahan.

Ayon sa Section 80 o Election Campaign or Partisan Political Activity Outside Campaign Period. Mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya o ang premature campaign sa lahat ng kandidato kapag sila ay nakapaghain na ng certificate of candidacy.

Ayon naman sa Section 68 ng Omnibus Election Code, maaaring ma-disqualified ang isang kandidato kapag siya ay napatunayan na nagsagawa ng premature campaign.(Boy Celario)