Advertisers

Advertisers

Babaeng natagpuang patay na hubo’t hubad sa kuwarto sa Cavite, overdose sa ‘shabu’

0 44

Advertisers

PAGKA-OVERDOSE sa droga ang posibleng ikinamatay ng isang babae na natagpuang hubo’t hubad at pagkakarekober ng P8.1 milyong halaga ng droga sa loob ng isang apartment na inuupahan ng isang Nigerian national sa Tanza, Cavite, Linggo ng gabi.

Patuloy ang manhunt operation ng Cavite Police sa Nigerian na suspek sa pagkasawi ng ‘di kilalang babae na nasa 30-35 ang edad, at pinaniniwalaang nagmamay-ari ng narekober na 1.2 kilong shabu sa isang kuwarto kalapit sa bangkay ng biktima sa apartment.

Ayon kay Major Dennis Villanueva, hepe ng Tanza Municipal Police Station, anim na buwan pa lamang na nangungupahan ang Nigerian sa apartment sa Block 27 Lot 4, Phirst Park Subdivision, Brgy. Tanauan, Tanza,.



Pinaniniwalaan na pinagamit ng droga ng dayuhan ang babae sanhi upang ma-overdose at masawi.

“Wala tayong nakikitang senyales ng foul play sa pagkamatay ng ba­bae kaya tinitignan natin ang anggulong overdose sa droga,” ayon kay Villanueva na hinihintay pa ang resulta ng medico legal.

Dagdag ng opisyal, isang “pick-up” girl ang biktima na dinala lamang ng Nigerian sa nasabing bahay.

Madalas umano na may dinadalang iba’t ibang babae ang dayuhan sa inuupahang bahay nito, ayon sa pahayag ng kanyang mga kapitbahay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">