Advertisers

Advertisers

Magkaibigan nilaslas ang leeg habang naglalaro ng ‘ML’ sa Cavite

0 1,417

Advertisers

ISA ang patay at isa ang nasa malubhang kalagayan nang gilitan sa leeg ang mga ito habang naglalaro ng ‘Mobile Legend’ Lunes ng gabi sa kahabaan ng Alapan 1-A, Imus City, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Ryan Roldan, 28 anyos, driver; habang nasa kritikal na kondisyon ang kaibigan niyang si Orlando Reazo Jr., 28, kasalukuyang nasa ICU ng Tondo Medical Hospital. Parehong residente ang dalawa ng Jerusalem Street, Imus City.

Base sa report ng Imus City Police Station, abala sa paglalaro ng mobile games ang mga biktima nang sumulpot ang hindi kilalang salarin. Unang nilaslas ang leeg ni Roldan saka inundayan ng saksak sa dibdib, at isinunod na saksakin sa leeg si Reazo bago tumakas sakay ng isang motorsiklo na hindi naplakahan, ayon na rin sa kuha ng CCTV sa lugar.



Agad dinala sa pagamotan ang dalawang biktima subalit binawian ng buhay si Roldan sanhi ng mga gabeng sugat sa leeg at dibdib, habang kasalukuyan inoobserbahan sa ICU si Reazo.

Ayon sa salaysay ni Ginang Daylinda Reazo, ina ni Orlando, bago nangyari ang pag-atake ay nakaalitan ng tiyuhin ng namatay ang grupo ng isa nilang kapitbahay na si alyas “Demet” na nanggugulo kapag ito ay nakakainom ng alak at nagbanta pa umano ito na gaganti.

Hinala ng pamilya ng biktima, may kinausap ang kanilang kapitbahay para isagawa ang krimen.
(KOI LAURA)