Advertisers
NAGLABAS-PASPOK sa ospital si Agimat Party-list Representative Bryan Revilla sanhi ng pinaniniwalaang food poisoning mula sa nakain nito sa Bangkok, Thailand.
“Siguro nagtataka ho ‘yung iba nating mga kasama kung bakit wala po tayo gaanong mga social media posts sa ating mga pages for the past few weeks…. I’ve been in and out of the hospital dahil sa meron tayong nakain na hindi natin dapat nakain… nagkaroon tayo ng some sort of food poisoning bacteria,” sabi ni Revilla sa isang video na naka-post sa Facebook.
“So what happened to me was, I started having fever going back to Manila. Then the next day, kumuha tayo ng dugo, then doon natin nalaman na mataas ang infection, mataas ang WBC (white blood cells),” kuwento ng solon.
“Sa further examinations, they were able to find na swollen ang ating large intestine and kaya daw ng antibiotics. So two, three days, pinalabas ako dahil gumaling ako,” pagpapatuloy nito.
Makalipas ang limang araw o noong Oktubre 14 muli siyang dinala sa ospital.
“I was also given a procedure para mas guminhawa ang ating katawan, the percutaneous abdominal drainage,” sabi ni Revilla.
Sa naturang proseso inalis umano ang nana sa kaniyang malaking bituka.
“I just can’t wait to get better. Hopefully lumabas na ‘yung mga resulta natin para makalabas na tayo dito and slowly progress to eating properly,” sabi pa ni Revilla. “Medyo struggle din but what I do miss more is ang ating trabaho.”
“Guys, remember that health is wealth, you really have to take care of your health. Ingat po tayo sa mga pinagkakakain po natin,” dagdag pa nito. “Hindi po talaga biro ngayon magkasakit. Napakasakit pong magkasakit.”
Ipinost ni Revilla ang video noong Huwebes.