Advertisers

Advertisers

Bahay ng titser sinilaban ni mister

0 7

Advertisers

NASUNOG ang isang bahagi ng bahay ng guro nang silaban ito ng kanyang mister sa gitna ng kanilang pag-aaway sa Macalelon, Quezon noong Miyerkoles.

Sa report ng Macalelon Police, nagtalo ang mag-asawang Maria Rica at Jaypee Tabanap, kapwa 36 anyos, sa kanilang bahay sa Barangay Calantas sa nasabing bayan 5:40 ng hapon.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, biglang sinilaban ni Jaypee ang kanilang bahay. Mabuti nalang at nakaresponde kaagad ang mga bumbero at naagapang lamunin tuluyan ng apoy ang kanilang bahay.



Inaresto at kinustodiya ng Macalelon Police si Jaypee. Nahaharap ito sa demandang arson.