Advertisers
IN-EXTEND pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bisa ng special permits na iisyu para sa pampasaherong bus sa layong maserbisyuhan ang inaasahang pagdagsa ng mga mananakay sa kasagsagan ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections gayundin sa holiday para sa All-Souls at All-Saint’s day.
Sa isang advisory, sinabi ng LTFRB na ang bisa ng special permits ay papalawigin mula nitong Biyernes, Oktubre 20 hanggang Nobyembre 6 ng kasalukuyang taon.
Ito ay salig na rin sa Board Resolution No. 065 Series of 2023 na nag-aamyenda sa bisa ng special permits na inisyu sa public utility bus units mula sa orihinal na petsa noong Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2023.
Ang special permit ay ibinibigay sa sinumang holder ng Certificate of Public Convenience na humiling na makabiyahe sa labas ng kanilang awtorisadong ruta.