Advertisers
HALOS P6 billion halaga ng mga iligal na droga ang sinira sa pamamagitan ng pagsunog ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Integrated Waste Managemsnt Inc sa Trece Martirez Cavite nitong Huwebes.
Kabilang sa mga sinirang droga ang 274 kilos ng shabu na nasamsam sa Manila International Container Port (MICP) Oktubre 6, 2023; at 208 kilos ng Dimethyl Sulfone, isang shabu extender na nasabat sa Mabalacat, Pampanga noong Agosto 25,
May kabuan timbang ang sinirang ilegal drugs ng 1,019,204,7581 grams kungsaan umanot sa 471,478,0639 grams ng shabu, 312,993,9424 grams ng marijuana at 208,909.00 grams ng Dimethyl Sulfone.
Sinira ang mga droga sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis na may temperaturang higit sa 1,000 degrees centigrade kayat imposibleng magamit o mabuo muli.(Mark Obleada/Irine Gascon)