Advertisers

Advertisers

Pulis nagpaputok at nanutok ng baril sa disperas ng kasal, kulong

0 14

Advertisers

ISANG aktibong pulis ang inaresto nang manutok at magpaputok ng kanyang baril isang araw bago ang kanyang kasal nitong Huwebes (Oktubre 19) sa Las Piñas City.

Kinilala ni Las Piñas City Police chief Colonel Jaime Santos ang inaresto na si Corporal Castaneda na nakatalaga sa Las Piñas Police Substation 5.

Ayon kay Santos, inaresto si Castañeda 8:30 ng umaga sa Rebecca Compound, Almanza Dos, Las Piñas City, matapos ireklamo ng isang concered citizen dahil sa pagpapaputok ng baril ng tatlo hanggang limang beses 2:30 ng umaga sa kanilang tahanan.



Makaraan ang isang oras, nakatanggap uli ng reklamo ang himpilan mula sa isang tricycle driver na nakilala sa pangalang Diomedes laban sa lasing na pulis nang tutukan siya ng baril nito habang inaayos niya ang kanyang tricycle.

Nagkaroon ng pagkakataon si Diomedes na maagaw ang baril ng suspek at ibinigay ito sa kanilang barangay outpost.

Dinala ng mga operatiba si Castaneda sa Southern Police District (SPD) Forensic Unit para sumailalim sa ballistic examination at paraffin test. Nahaharap ito sa kasong illegal discharge of firearm, grave threat at administratibo.