Advertisers
DINAKIP ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection (CIDG) ang isang miyenbro ng Bureau of Fire and Protection (BFP) na sangkot sa “promotion on sale” sa isinagawang entrapment of operation sa Alabang, Muntilupa City nitong Martes.
Kinilala ni Colonel Reynaldo Lizardo, CIDG Anti-Organized Crime Unit Chief, ang inaresto na si FOI Ramces Paul Baylo, 29 anyos, ng Pamploma, Camarines Sur at nakatalaga sa Muntilupa Fire Station.
Ayon kay Lizardo, isinagawa ang operasyon ng magkasanib na elemento ng CIDG-AOU at BFP Intelligence and Investigation Division sa harapan ng Star Mall sa Alabang, Muntilupa City.
Nakipag-coordinate ang BPF sa CIDG nang humingi ng tulong ang isang Justin Ibardolaza nang mabigo si Baylo sa pangako nitong slot para sa lateral entry kapalit ng halagang P200,000
Inaresto si Baylo nang tanggapin ang mark money mula sa isang agent sa entrapment operation.
Sinabi ni Lizardo na sa initial information, meron siyang binabanggit na “alleged nasa loob ng BFP na kasabwat na hindi puwedeng i-divulge dahil under investigation”.
Kaungay nito, sinabi ni Chief Supt. Gilbert Dolot, director ng BFP Intelligence and Investigation Division, nagsasagawa na sila ng sariling investigation dahil sa maraming mga lumalantad na mga biktima.(Mark Obleada)