Diehards Supporters Ng Shake Rattle & Roll, Umalma Sa ‘Di Pagkakasali Sa MMFF 2023; Marvin Velasques May Bagong Single At Music Video
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
NAKAUGALIAN na ng lahat ng mga tumatangkilik sa Metro Manila Film Festival na mapanood sa ganitong taunang pestibal ang “Shake, Rattle & Roll.” Na dahil sa lampas ng tatlong dekada ay itinuturing na itong most iconic Pinoy film series ng Regal Entertainment, Incorporated ng mag-inang Roselle at Mother Lily Monteverde.
At dahil last 2014 pa huling napanood ang SRR XV na pinagbidahan nina Erich Gonzales, John Lapus, Lovi Poe, Carla Abellana, etc, sobrang na-excite ang lahat sa Shake, Rattle & Roll Extreme.
Laking dismaya ng libu-libong fans na hindi napasama ang inaabangan nilang movie ngayong Dec.25. Well for me ay very disappointing naman talaga ang pambabalewala ng selection commitee ng MMFF 2023 sa SRR Extreme.
Kasi no offense, kumpara sa ibang movies na pumasok sa 10 official entries ay mas higit na may karapatan naman sa sinasabi nilang mga criteria itong SRR nina Ma’am Roselle at Mother Lily lalo na pagdating sa commercial appeal at global appeal na ilang dekada nang pinatunayan ng SRR sa takilya.
Saka nasa over 5 million views na ang official teaser nito sa Facebook Page ng Regal Entertainment, na may 9.7M followers. At naging top trending pa ito sa X o Twitter Trending Philippines sa 59.8 post. Yes, marami talaga ang nagagandahan sa SRR Extreme. At ‘yung mga supporters ng nasabing classic Pinoy horror ay nagtatanong sa head ng MMFF selection commitee na si Jessie Ejercito at member na si Roy Iglesias, kung ano ang nangyari at bakit niligwak nila ang SRR Extreme?
Samantalang mabenta nga ito sa mga batang viewers at nanay, tatay, kuya at ate. Naku, we need your explanation no!
***
KAHIT kilala na sa abrod si Marvin Velasquez tagged as “Bossa Nova Prince of the Philippines” na nakapag-perform na sa maraming bansa sa Europa, Amerika at Asya. Napanatili pa rin ni Marvin ang pagiging humble at down-to-earth sa lahat lalo na sa music industry. Nariyan din ang kanyang big achievements as a singer and songwriter. Ang edge pa nito, sa mga sikat nating local singers ay very unique ang style ni Marvin sa pagkanta na malaking factor kung bakit minahal siya at patuloy na sinusuportahan ng kanyang mga fans.
Lalong nagningning ang singing and acting career ni Marvin nang ma-meet nito ang Malilin clans, ang based personality sa London na si Erasmo Malilin, na siyang composer nito sa kanyang kantang, “Limelights.” At bigatin ang arranger nito na si late Jun Malilin na siyang nag-composed rin ng isa sa mga classic song ng The Boyfriends na Dahil Mahal Kita and many other Pinoy hitsongs. Nagtulungan sina Marvin, Erasmo at Jun para mabuo ang song na Limelights na bagay sa estado ng career ni Velasquez. And the music video of the song was shot in Westfields London, under the Creative Direction of Ms. Olea Tezca from SIDE PROJECTS PRODUCTIONS. Samantala, ayon pa kay Danny Lynch, isang famous songwriter-singer at film creator sa Amerika, pag nabigyan ng chance ang Limelights ni Marvin ay pwedeng maihambing ito sa mga international music at deserving na ma-nominate sa Grammy Awards. Why not nga naman e punung-puno ng talent si Velasquez. Malaki rin ang bilib ni Thom Muligan, veteran American actor sa Limelights.
At ang music video nito ay magiging isa sa entries ng New Hope Film Festival na gaganapin sa Pennsylvania, USA. The quality of this waiting cannot be denied because Limelights is the first featured in the Chamber held in California, USA. Ito pa, when Marvin Velasquez arrived from London last September 16 this year, he was invited to TV stations and International award giving bodies to promote his new song, Limelights. His Filipino Musical Movie, “PERA KWARTA SALAPI” is also set to be released in Hong Kong, which was first released here in the Philippines at Gateway Mall and it was successful. Naka-ilang screening na rin ang pelikula sa London, including Phoenix Cinema at umani talaga ng papuri ang acting dito ng said International singer.
Soundtrack din ng movie ang Limelights. Marvin is also busy with his upcoming collaboration with San Ricardo National High School in Talavera, Nueva Ecija to have a film showing there led by Ma’am Catalina A. Salum (Principal) and Sir Allan Lazaro who is also a good teacher of Talavera National High School in January, 2014. Marvin plans to perform again in London under ERASMO ENTERTAINMENT LTD by Erasmostar Talents. This is indeed a good destination for people who are kind and have a genuine heart and are humble like the one and only Bossa Nova Prince of the Philippines, MARVIN VELASQUEZ.