Advertisers

Advertisers

Earth Run Para sa kapayapaan, Charity at pagkakaisa

0 21

Advertisers

INAANYAYAHAN ng We Are One volunteer group sa ilalim ng Shincheonji (New Heaven New Earth) Church of Jesus The Temple of the Tabernacle of the Testimony ang lahat na dumalo sa isang fun run na gaganapin sa The City of Imus Grandstand and Track Oval sa Oktubre 29, 2023 sa ganap na ika-5 hanggang ika-8 ng umaga.

Ang fun run na may temang “Earth Run 2023: Peace Heritage” ay naglalayong makiisa sa global earth run movement na naglalayong makapagtala ng kabuuang 40,120 kilometro- ang distanyang natakbo ng mga kalahok na katumbas ng circumference ng mundo, makagawa ng isang payapa at inclusive environment sa pamamagitan ng isang aktibong aktibidad, at makalikom ng pondo para sa mga aktibidad ng grupo at ng isang pipiliing beneficiary nito.

Ang pagtitipon-tipon ay nakatakda sa ika-5 ng umaga kung saan magsasagawa muna ng warm-up at Zumba exercises. Susundan ito ng 5K run sa ganap na 6:00 ng umaga, kasunod nito ay ang 3K run sa ganap na 6:30 ng umaga at ang 1K run sa ganap na 7:00 ng umaga.



Ang registration fee ay P200 para sa mga estudyante at P300 para sa hindi naman estudyante. Maaari itong ipadala kay WAO finance officer Flori Orbita sa kanyang Gcash number 09263550635.

Bawat participant sa earth run ay bibigyan ng t-shirt, race bib at e-certificate samantalang ang Top 3 Finishers naman sa bawat kategorya ay makatatanggap ng medal, top finisher shirt at winner certificates.

Ang opening program ay may kasaling dance performance ng Indayaw Dance Company at habang nagaganap ang fun run, may mga nakalaang palaro na may paprepmyo para sa mga manonood.

May nakalaang ‘peace wall’ kung saan ang mga mananakbo ay maaaring magdikit ng kanilang race bib na sinulatan ng kanilang mensahe ukol sa kapayaan pagkatapos ng kanilang pagtakbo.

Kabilang sa mga nagsagawa at magsasagawa ng Earth Run ay ang mga bansang Japan, Malaysia, United Kingdom, France, US, Australia, at iba pa.



Ang malilikom na pondo ay gagamitin ng WAO sa iba’t ibang aktibidad nito gaya ng blood donation, tree planting, Clean Up Drive, Disaster Donation Drive, Adopt-a-School Program, Recycling, Climate Change Awareness Promotion.

Ang WAO ay isang global organization na may 90,000 kasaping kabataan, isang inisyatiba ng Shincheonji (New Heaven New Earth) Church of Jesus The Temple of the Tabernacle of the Testimony na nakabase sa South Korea.

Ang WAO Youth Volunteers Worldwide ay nakapagtala ng Guiness World Record bilang pinakamaraming taong nagdonasyon ng dugo sa loob ng 24 oras na umabot sa 71,121 participants.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.facebook.com/WeAreOne1PH. (ANDI GARCIA)