Advertisers
NADAGDAGAN ng P2 kada kilo ang retail price ng bigas sa gitna ng pagsipa ng farmgate price ng palay.
Sinabi ni Grain Retailers Confederation of the Philippines (GRECON) national president James Magbanua, sa Visayas pa lamang ang buying price ng fresh palay ay tumaas sa P19 mula sa P17 kada kilo habang ang dry palay naman ay nasa pagitan ng P24 at P25.
Aniya, tumaas ang farmgate price ng palay mula pa noong nakalipas na linggo kung saan ang epekto nito ay tataas din ang retail price.
Bagama’t may mabibili pa rin aniya sa mga merkado na mahigit 40 na kada kilo ng bigas.
Samantala, mas mataas naman ang buying price sa Luzon.
Tutol naman si Magbanua sa panukala ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So na ibalik ang price cap sa bigas dahil hindi aniya ito maganda para sa ekonomiya at ang mga magsasaka ang makikinabang sa pagtaas ng farmgate price ng palay.