Advertisers
KINUMPIRMA ng Israeli government na kabilang ang dalawang Pilipino sa hostage ng Hamas sa nagpapatuloy na giyera sa Israel.
Dagdag pa ng gobyerno, nasa kalahati ng tinatayang 220 hostages na hawak ng Palestinian group na Hamas ay may mga dayuhang pasaporte mula sa 25 iba’t ibang bansa.
Sa pagbibigay ng updated na mga numero, sinabi rin ng gobyerno na 328 katao mula sa 40 bansa ang nakumpirmang patay o nawawala pagkatapos ng sorpresang pag-atake ng mga mandirigma ng Hamas noong Oktubre 7 sa timog Israel.
Sa kabuuan, tinatayang 1,400 katao ang napatay sa pag-atake.
Sinabi ng Israel na 138 sa mga hostage ay may mga dayuhang pasaporte, kabilang ang 54 Thai nationals, 15 Argentinian, 12 Germans, 12 Americans,6 French at 6a Russians.
Mga Thai national din ang may pinakamalaking bilang ng mga dayuhang nasawi at nawawala, na may 24 kumpirmadong namatay at 21 ang hindi nakilala.