Advertisers

Advertisers

5 nalibing ng buhay sa landslide sa Quezon

0 3

Advertisers

NASAWI ang lima katao nang matabunan ng lupa ang limang kabahayan sa landslide sa bulubundukang bahagi ng Sitio Angelo, Barangay Umiray, General Nakar, Quezon, Martes ng gabi.



Sa ipinadalang impormasyon sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) ni Mayor Eliseo Ruzol ng General Nakar, nangyari ang landslide sa bahagi ng Sierra Madre mountain, sa may tri-boundary ng mga bayan ng General Nakar sa Quezon, Doña Aurora Trinidad sa Bulacan at Aurora province.

Nangyari ang trahedya nang gumuho ang malaking bahagi ng bundok dahil sa walang tigil na pag-uulan.