Advertisers
“Walang sindikato, isolated case lang ‘yan.”
Ito ang iginiit ng isang Airport Intelligence and Investigation Division (AIID) manager ukol sa insidente ng pagkatangay ng isang maleta na may laman umanong halos P50 milyong halaga ng mga alahas at iba pang ari-arian.
Base sa imbestigasyon, aksidenteng naiwan ng may-ari sa NAIA ang isang maleta. Makikita sa kuha ng CCTV na isang lalaki ang kumuha rito.
“Wala pong sindikato, wala pong ganun. Nakahiwalay na kaso. Alam niyo naman ang magnanakaw, ang hanap niyan opportunity lang,” ani AIID manager Levy Rubano Jose
Pinaalalahanan ng pamunuan ng paliparan ang publiko na maging maingat sa kanilang mga gamit sa paliparan.