Advertisers

Advertisers

Bishop patay sa basketball court

0 8

Advertisers

PATAY ang isang catholic bishop nang mahirapan itong huminga habang naglalaro ng basketball sa Barangay Poblacion, Malasiqui, Pangasinan, Lunes ng gabi.

Kinilala ng Malasiqui Police Station (MPS) ang biktima na si Bishop Enrique de Vera Macaraeg, 67 anyos, isang seminary graduate, ng Bonifacio St., Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Ayon sa MPS, nangyari ang insidente 8:02 ng gabi sa Arenas Civic Center sa Malasiqui.



Sa testimonya ng pinsan ni Macaraeg na si Emilyn Pioquinto Lamsen, habang naglalaro ang pari ng basketball, bigla itong huminto dahil sa hirap na paghinga hanggang sa matumba ito sa semento.

Agad na isinugod ang bishop sa Universal Health General Hospital sa naturang bayan ngunit siya ay namatay habang ginagamot ng mga medical expert.

Napag-alaman dumaranas ang biktima ng hypertension.