Advertisers
HININGIAN ng plano ni Senador Alan Peter Cayetano ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagpapalakas sa cybersecurity ng bansa sa gitna nang lumalalang banta ng hacking at data breaches.
Kasabay nito, hinikayat din ni Cayetano ang DICT na kumuha ng mas maraming cyber security na ilang website ng gobyerno tulad ng PhilHealth, House of Representatives, at Philippine Statistics Authority (PSA) at maging DICT ay magkasunod na tinira ng hackers sa loob lamang ng buwan ng Oktubre.
Bunsod nito, tanong ni Cayetano sa pagdinig ng Committee on Science and Technology na kanyang pinamumunuan, kung mayroong sapat na cyber security experts sa DICT at sa gobyerno dahil posibleng may pondo na binibigay para sa counter attacks subalit wala naman sapat na eksperto sa gobyerno.
Tugon naman ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center Deputy Executive Director Mary Rose Magsaysay kay Cayetano na sa kasalukuyan ay mayroon silang 55 eksperto sa kanilang mga tauhan at karamihan sa kanila ay mga cyber technologist at pinakamahusay na taong kilala nila subalit inamin na hindi pa rin ito sapat.
Natuklasan naman ng Senador na malayo sa ideal budget ang programa ng PNP tungkol sa kanilang cybersecurity personnel, dahil ang kanilang 2024 budget para sa Information System Strategic Plan (ISSP) para sa 2023-2025 ay hindi bababa sa P100,000 kada rehiyon lamang.
Dahil dito kaya pinagsusumite ni Cayetano ang DICT at mga ahensiya ng gobyerno na magsumite ng kanilang mga plano, na kinabibilangan ng pagkuha ng mas maraming cyber expert sa gobyerno upang tugunan ang mga alalahaning ito, bago ang Senate 2024 budget deliberations sa Nobyembre. (Mylene Alfonso)