Advertisers
KAAGAD nasawi sa pamamaril ang isang opisyal ng vendors sa pampublikong pamilihan sa Malolos City, Bulacan.
Kinilala ang biktima na si Manolito Manahan, 55 anyos, ng Barangay San Vicente, Malolos City.
Sa ulat, 9:15 ng umaga nitong Huwebes nang barilin ng apat na beses ang biktima.
Kilalang supplier ng sibuyas at bawang si Manahan sa pamilihang siyudad ng Malolos.
Dalawang lalaking nakasuot ng dilaw at kulay asul na damit ang malapitan na bumaril sa biktima gamit ang kalibre .45 na pistola.
Nang-agaw pa ng motorsiklo at helmet ang mga salarin na nagpaputok pa ng baril bago tumakas.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, love traingle ang sanhi ng pagpatay sa biktima, dahil isang araw bago barilin ang biktima, sinabi nito sa kanyang kapatid na anumang oras maaring may pumatay sa kanya.
Sinisilip na ng mga pulis ang lahat ng CCTV na malapit sa pinangyarihan ng krimen.
Samantala, naglaan ng P200K pabuya si City Mayor Christian D Natividad sa agarang ikadarakip ng mga salarin. (Thony D. Arcenal)