Advertisers

Advertisers

Pulis hiniwalayan ng karelasyon, utol na umawat pinatay

0 49

Advertisers

PATAY ang isang lalaki nang awatin ang isang pulis na namaril sa Don Carlos Village, Barangay 190, Pasay City Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang namaril na si PSSG Ruel Lacuesta, 45, residente ng Magdaong Drive Poblacion, Muntinlupa City at nakatalaga sa NCRPO.

Sa report, nagtungo si Lacuesta sa bahay ni Ramon Teves at kapatid niyang si Gwen.



Sa panayam kay Captain Fron Clemeña, commander ng Police Sub Station 5 Pasay City, gusto nang makipaghiwalay ang kapatid ni Ramon na si Given Teves kay Lacuesta, subali’t nagalit ang pulis kaya’t binaril nito ang babae na masuwerteng nakadapa at naiwasan nito ang bala kaya hindi siya tinamaan.

Umawat si Ramon sa away ng dalawa kaya’t siya ang binalingan ng pulis, binaril sa dibdib na agad nitong ikinamatay.

Sumuko naman sa mga kabaro nito si PSSg Lacuesta.

Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.(Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">