Advertisers
MAG-AALOK na ang pamahalaang panlalawigan ng Cebu ng P20 kada kilong bigas.
Ito ang isinapubliko ni Governor Gwendolyn Garcia nitong Huwebes, sinabing maglalaan sila ng P100 milyon para sa implementasyon ng proyekto.
Ang nasabing pondo, aniya, ay ibibili ng bigas sa National Food Authority (NFA) na ibebenta sa 51 local government units.
Isasabay, aniya, ito sa paglulunsad ng Sugbo Merkadong Barato (Cebu cheap market) project sa mga naturang bayan kungsaan makabibili ng abot-kayang produkto.
Ang proyekto ay katulad ng ‘Kadiwa ng Pangulo’ project ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kungsaan makabibili ng abot-kayang sariwang agricultural products.
“We would be selling rice at a loss if only to give the Cebuanos more spending capacity during this time of high inflation,” dagdag pa ni Garcia.