Advertisers

Advertisers

DILG IPINALIWANAG ANG HONORARIUM NG BGY. OFFICIALS

0 13

Advertisers

IPINALIWANAG ng Department of Interior and Local Government (DILG) na walang income classification ang mga opisyal ng barangay katulad ng mga Kagawad, Kapitan ng Barangay at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan o SK.

Pahayag ng DILG, mayroon lamang honorarium o allowance na ibinibigay sa mga naturang opisyal.

Ayon kay DILG National Barangay Operations Office Dir. Dennis Villaseñor, ang matatanggap na allowance ng mga brgy. officials ay dedepende rin sa budget ng Barangay kung saan sila maninilbihan.



Batay sa datus ng DILG aniya, nasa P12,700 ang kalimitang natatanggap ng isang Punong Brgy. sa Metro Manila habang P8,900 naman ang natatanggap ng isa nitong Kagawad.

Sa kasalukuyan, ang Brgy. 21 sa Pasay City ang may pinakamataas na natatanggap na allowance: ang Kapitan ng Brgy dito ay tumatanggap ng kabuuang P37,000.

Para sa pinakamalaking Brgy sa Pilipinas, ang Brgy Bagong Silang o Brgy 176 sa Lungsod ng Caloocan, nakakatanggap ng P25,000 ang Kapitan nito, habang ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan ay tumatanggap ng P19,000.00.