Advertisers
NASA kabuuang 31,125 mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang nakatakdang bumoto sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong araw, ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.
Sinabi ni Abalos na mula sa 31,125 PDLs, 29,133 ang makaboboto sa mga itinalagang special precint sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology Jail habang 1,992 ay makaboboto kung saan sila naka-rehistrong botante.
Nasa sa Comelec rules, isinaad ni Abalos na ang bilanggo na kasalukuyang nililitis ang kaso sa korte at nasentensyahan nang walang 1 year ay maaring makaboto.
Pinatitiyak ni Abalos kay BJMP Director Ruel Rivera ang seguridad, maayos at tahimik ang pagdaraos ng Election sa itinalagang precint sa loob ng kulungan.
Binigyan-diin ni Abalos na ang karapatan ng mga PDLs na makaboto ay base sa itinatakda ng Universal Declaration of Human Rights, the International Covenant on Rights, at 1987 Constitution.
“The right to vote is everyone’s inherent right under the Constitution. As the DILG actively assists the Commission on Elections (Comelec) in ensuring peace and order during the 2023 BSKE, we are elated to confirm that more than 31,000 PDLs will be able to exercise their rights to vote on BSKE 2023,” pahayag ni Abalos.
Kaugnay nito, nanawagan si Abalos sa lahat ng mga kandidato para sa gaganaping BSK Election na sumunod sa mga alintuntuning isinasaad sa batas hinggil sa Halalan upang hindi sila magka-problema sa sandaling manalo sila.
Ipinaalala ni Abalos na magtalaga lamang ng tamang bilang ng poll watcher upang hindi sila maakusahan ng vote buying.
Aniya, sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10946, Section 25 (k) pwedeng magkaroon ng presumption of vote buying sa “hiring or appointing more than two (2) watchers per precinct per candidate.”
Base sa obserbasyon ng Comelec, sinabi ni Abalos na ang istilo ng ilang kandidato ay itago ang pagbili ng boto sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming kunwari ay magsisilbing poll watchers.
Dagdag pa ni Abalos, sa ilalim ng Section 264 ng Omnibus Election Code, ang mga kandidatong mahuhuling may paglabag sa vote buying ay may parusang pagkakulong hanggang anim na taon at perpetual disqualification from public office. (Mark Obleada)