Advertisers

Advertisers

PAGTANGKILIK SA LOCAL BUILDING MATERIALS ISINUSULONG NI MARCOS

0 3

Advertisers

ISINUSULONG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbili ng mga lokal na gawang materyales na gagamitin sa pagtatayo ng mga proyektong imprastruktura ng gobyerno sa hinaharap.

Sa isang pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Infrastructure Cluster, tinanggap ni Pangulo Marcos ang rekomendasyon ng konseho dahil kinikilala ng presidente ang kahalagahan ng pagbibigay-pansin at pagsasaprayoridad sa locally manufactured building materials.

Ayon kay PBBM, ang mungkahi na ibinigay ng PSAC na pinangungunahan ng negosyanteng si Sabin Aboitiz ay isang hakbang tungo sa tamang direksyon dahil ang mga gawang lokal ay dapat ilapat sa mga proyektong pampamahalaan na sumusunod sa itinatakda o hinihinging kalidad.



Kasabay nito, ipinag-utos ng pangulo sa Department of Trade and Industry (DTI) na makipag-ugnayan sa PSAC para sa paglalabas ng talaan ng mga partikular na materyales sa konstruksyon na magagamit para sa mga proyektong imprastruktura ng gobyerno.

Binigyang-diin naman ng punong ehekutibo ang pangangailangan na tukuyin kung aling mga materyales ang bibilhin ng gobyerno upang maiwasan ang anumang legal conflict sa hinaharap.

Kasama naman sa mga nakapulong ng pangulo ang mga miyembro ng PSAC na sina Joanne de Asis, Manuel Pangilinan, Eric Ramon Recto, Enrique Razon, Ramoncito Fernandez, Daniel Aboitiz, Reinier Dizon, at iba pa. (Gilbert Perdez)