Advertisers

Advertisers

Pulis nabusinahan lang, nanapak ng truck driver

0 8

Advertisers

NAUWI sa pisikalan ang ginawang pagbusina ng truck driver sa nakaparadang van sa harap ng isang convenient store na nakakaabala umano sa ibang motorista sa Quezon.

Ayon sa ulat, sinugod, minura, sinipa at sinapak ng nakasibilyang pulis ang nakaalitang truck driver na nangyari sa Gumaca, Quezon noong Huwebes.

Ayon sa mga nakasaksi, nagsimula ang gulo nang paulit-ulit na businahan ng driver ng truck ang van na pumarada sa harap ng isang convenient store.

Ang naturang pagparada ng van, nakakaabala sa ibang motorista.

Makikita sa video na ibinahagi na may ilang saksi na umawat sa pulis.

Ayon sa hepe ng Gumaca Police, hindi naka-duty ang pulis na sa video nang mangyari ang insidente.

Iniimbestigahan na aniya nila ito, at kasamang aalamin kung nakainom ang pulis nang mangyari ang kaguluhan.

Ipinatawag din ang driver ng truck na umamin na bumaba siya ng kaniyang sasakyan na may hawak na pamalong bakal. Gayunman, nauna raw na nanakit ang nasabing pulis.

Hindi naman daw ginamit ng driver ang pamalong bakal na ibinigay daw niya sa umawat sa gulo.