Advertisers

Advertisers

WFH sa mga kawani ng City Hall sa Oct. 31, inanunsyo ni Mayor Honey

0 13

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang ipinalabas na Memo Circular No. 38 mula sa Office of the President na nilagdaan noong October 27, 2023 ay nagsasaad na ang trabaho sa city government of Manila, para sa mga applicable, ay magiging work from home (WFH) sa Martes, October 31, 2023.

Dahil sa nasabing anunsyo, binabalewala nito ang Executive Order No. 35 na may petsang October 27, 2023 at nagdedeklara ng half-day suspension sa October 31.

“However, the departments involved in the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities and/or performance of other vital services shall continue with their usual operations and render the necessary services in person,” sabi ni Lacuna.



Kaugnay pa nito, ang mga klase sa public schools ay magsi- shift sa online o asynchronous classes.

Ang parehong arrangement din para sa mga private companies at klase sa private schools ay nasa pagdedesisyon na ng kanilang mga kumpanya at administrations.

Samantala, mula naman sa tala ng MDRRMO sa ilalim ni Director Arnel Angeles ay nasa 1000 pa lamang ang
crowd estimate sa Manila North Cemetery, ganap na 11 am nitong Linggo Oct 29.

Samantala ay nasa mahigit 650 naman ang crowd estimate sa Manila South Cemetery. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">