Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGING viral sa X social media platform ang naging mensahe ni Christian Bables sa newbie star na si Anji Salvacion.
Naba-bash kasi ang ‘Linlang’ star dahil umano sa kanyang hamonada na acting.
Mensahe ng actor: “Dear Anji Salvacion, I am excited for you to unleash the brilliant actress in you ?? For as long as you admit there’s a huge room for improvement, ok na yun. The rest ingay lang. Please never give up on learning your craft. Meron yan, Anji. I believe in you ??.”
Natanong naman ng entertainment press ang magaling at premyadong actor kung bakit ganoon na lamang ang pagtatanggol niya kay Anji sa presscon ng MMFF entry nito.
“Kasi ang take ko lang, bilang isang alagad ng sining, isa sa mga duties namin is to inspire. I think, mas mapararating ko iyong tulong ko kay Anji by giving her words of encouragement kasi iyon ang kailangan ng bata,” ani Christian.
“It is never right pagtawanan iyong kahinaan ng isang tao. Gaano ka peaceful at kaganda internet o environment in general. Kung pipiliin natin to be kinder or nicer, hindi ko naman madiktahan, pero baka lang sakali, mayroon ako kahit papanong boses, maliit man na, sana nagagamit ko ng tama,” pahabol niya.
Nilinaw din niya na hindi niya kilala nang personal si Anji at ang nasabi niya ay udyok ng malasakit ng isang good Samaritan.
” I personally do not know Anji, I am not connected, but I really felt the need to speak up and use my platform to give her words of encouragement. Parang hindi kayanin ng konsensya ko madurog iyong dreams ng bata dahil sa hurtful and hateful comments na natatanggap niya araw-araw. When in fact, she can still improve,” paliwanag niya.
May panawagan din siya sa netizens na sana ay piliing mas makatao at positibo sa kabila ng mga pagsubok na pinagdadaanan ng mundo.
“Everything, naniniwala ako, lahat nadadaan sa magandang pananalita. Lagi ko sinasabi may choice. Ang kabutihan po ay choice. Nasa sayo kung uunawa ka, magmamahal, kaysa manakit,” hirit niya.
Panalangin din niya na sana maging hamon din kay Anji na pagbutihin ang kanyang craft sa kabila ng mga batikos na natatanggap nito.
“Sana ma-realize niya hindi pa end ng world as an actress. Ang lahat ay natututunan. Lahat may tamang panahon, but I know deep in my heart, sometime, somewhere, she will be an amazing actress,” sey niya.
Nagbigay din siya ng kanyang assessment sa nangyayaring backlash na natatanggap ni Anji.
“To tell you honestly, kailangan pa niya matuto. I hope and pray she has willingness to act on it and learn there, as well as accept there is still room for improvement,” aniya.
“Ako po bilang isang aktor, I speak for myself, only para sa akin, wag ka sasalang ng hindi ka handa,” dugtong niya.
Dagdag pa niya, bilang aktor supportive rin daw siya sa co-stars niya sa pelikulang “Broken Hearts Trip.’
“Supportive naman ako sa co-actors ko. Minsan may lumapit sa akin.’ Christian, natatakot ako sa eksena natin, parang di ko kaya.’ Sabi ko, ganito lang iyan, tingin ka sa akin, damdamin mo lang ako, ibibigay ko sa iyo kung ano ang dapat mong maramdaman. Awa ni God, naitawid namin ang eksena,” pagbabahagi niya.
Si Christian ay gumaganap bilang Alfred, isang gay host ng reality competition na “Broken Hearts’ Trip” na tutulong sa contestants na hanapin ang paghilom sa kanilang mga sarili. Sa huli, mapagtatanto niyang siya man ay naghahanap din ng healing.
Tampok din sa all-out, laugh all you can treat na itong may puso sina Teejay Marquez, Marvin Yap, Petite, Iyah Mina at Andoy Ranay.
Kasama rin sa cast sina Jay Gonzaga, Ron Angeles, Argel Saycon, Arnold Reyes, Kevin Posadas at Simon Loresca.
May special participation din sina Tart Carlos at ang 2016 Cannes Best actress na si Jaclyn Jose.
Mula sa produksyon nina Benjie Cabrera, Omar Tolentino at ng Power Up Workpool Inc., ang MMFF entry na “Broken Hearts Trip” ay mula sa direksyon ni Lemuel Lorca at sa panulat ni Archie del Mundo base sa original story ni Lex Bonife.