Advertisers

Advertisers

Kylie nasayang ang love kay Aljur; Launching film ni Franco Miguel, hinahanda

0 13

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

NASUBAYBAYAN namin ang showbiz career ni Franco Miguel. Sa sexy-drama-action film siya nalinya nuon. Hindi namin malilimutan ang kanyang pelikula na “Mapupulang Rosas,” na naglunsad sa kanya bilang aktor. Hindi nawala sa sirkulasyon si Franco, katatapos lang niya ang ” KUYA,” Gov.Edwin Jubahid Story of Davao del Norte, si Richard Quan ang gumanap na Kuya. Challenging ang role ni Franco bilang bagman, di niya matanggihan si direk Francis ‘Jun’ Posadas, Jr. Aming napag-alaman na hinahanda na ang isang pelikula na maglulunsad sa kanya para maging bida.
Samantala, may hosting job siya sa live show sa Field View Finder (lokasyon sa Nat. Highway, Brgy. Pagatpat, San Cruz, Zambales.) Tampok ang comedy duo na “Pork & Beans” sa Nob.18, 2023. Ang ticket price ay P400, free 4 bottles of beer and pulutan.
***
LUMUHA si Kylie Padilla sa TV show ni Boy Abunda. Labis nitong pinanghinayangan ang paghihiwalay nila ni Aljur. Galing siya sa broken family kaya ayaw niyang sapitin ito ng kanyang mga anak na sina Axl at Alas. Nasabi niya na, “oh, my God, inubos ko and nauwi rin sa hiwalayan. Pero wala naman daw siyang pinagsisihan sa kanyang ginawang pakikipaglaban.