Advertisers
Ni DOMINIC REA
Sa programang Fast Talk witb Boy Abunda ay biglang deretsagang tinanong ni Boy Abunda si Yasser Marta kung sila pa ba ng seksing aktres na si Robb Guinto.
Nanahimik panandali si Yasser at tila hindi alam ang isasagot. Hanggang sa humagulgol na ito na patunay na hiwalay na nga sila ni Robb.
Ayon kay Yasser, ayaw niya na sanang buksan ang naturang usapin pero na on the spot siya ng King Of Talk. Wala pang reaksiyon si Robb patungkol sa isyung ito!
XIA VIGOR NAGSO-SHOOTING NA PARA SA MIRACLE MOVIE NIYA WITH AGA MUHLACH
Nakaka-tatlong shooting days na pala si Xia Vigor para sa pelikulang Miracle with Aga Muhlach.
Bago pa man ay naibalita na ito sa amin ni Xia kung saan excited na rin siyang gawin ang pelikulang sa ikalawang pagkakataon ay makakasama niya si Aga. Lalo pa diumanong naging excited si Xia nung malamang papasok sa movie ang karakter ni Jodi Sta. Maria.
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataong makatrabaho ni Xia si Jodi at alam niya diumanong marami siyang mapupulot na ideya sa husay ni Jodi! Isang malaking proyekto pa ang napipintong gawin ni Xia sa bakuran ng Viva.
Thankful si Xia dahil aside from Viva na inaalagaan siya ay very supportive din sa kanya ang kanyang Mommy Christy Bernardo! Yun na!