Advertisers
Ni Camille Guarin
Nilinaw ng aktres na si Ellen Adarna na walang katotohanan ang espekulasyong magkakabalikan sila ng dating partner na si John Lloyd Cruz.
Ayon kay Ellen, mas mabuti raw na manatili silang magkaibigan at maayos na mag-co-parent para sa kanilang anak na si Elias.
Nagsimula ang espekulasyon matapos ibahagi ni Ellen sa kanyang social media account ang commercial ni John Lloyd kasama ang kanilang anak para sa isang brand ng gamot.
Sa comment section, sinagot ni Ellen ang isang netizen na nagsabing baka muli siyang ma-in love kay John Lloyd.
“Luhh. We are just really co-parenting and good friends and we are really better off like this,” saad ni Ellen.
Well, why not, coconut? Malay natin, baka may second chance pa sina Ellen at John Lloyd. ‘Yun na.
***
Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho, sinisikap ng singer na si Angeline Quinto na mabigyan pa rin ng sapat na oras ang kanyang mga anak.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Angeline ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging isang working mom.
Ani Angeline, “Yes, kahit gaano karami ang responsibilities natin as a Mom, at kahit gaano tayo ka-busy sa work, one thing is certain: when my kids need me, I make sure I’m present.
“Kami ni Nonrev, we make sure na present kami sa school activities, check-ups, and even sa simpleng playtime with the kids.
“Siguro ito ang one of the best feelings of being a Mom.
“Kahit pagod ka from work, kahit madalas out of town din si Nonrev for business, there’s always something to look forward to when you get home, may dalawang bulilit na excited na excited kang makita at salubungin.
“And that’s when you realize na you also need to take care of yourself, because these two little humans need you healthy, happy, and strong. It’s all about balance. We can be hardworking moms, loving wives, and still make time to love and take care of ourselves.”
In fairness, beauty, talent at pagiging hands-on mom, all in one si Angeline.