“Joke Lang” Music Video Ni Rozz Daniels With Husband Sir David Daniels, Sinuportahan Ng Kanyang Fans!
Advertisers
Ni Peter Ledesma
As of Nov. 22, 2026 ay umani na ng 15K views(and still counting) ang first music video ni Rozz Daniels, para sa latest single nito na “Joke Lang.”
Ibig sabihin ay sinuportahan talaga ng kanyang fans, si Rozz at nagustuhan ng mga ito ang inilabas niyang music video kasama ang good looking husband na si Sir David Daniels. Well, ang cute naman kasi ng love story ng said sweet couple na siyang concept ng kanilang MV. Nagsimula sa sulatan sa Penpal noong late 80’s ang istorya ng pag-iibigan ni Rozz at Sir David hanggang sa sila ay magpakasal at nanirahan sa Hawaii, Las Vegas, at Wisconsin USA.
Nabiyayaan sila ng 4 na anak at isang pogi at cute na grandson na si Wolfgang. In all fairness, magaganda ang lahat mga shot sa kanila ni Ms. Nicole De Lara. Nicole is the daughter of veteran composer Michael De Lara. Kuhang-kuha ni Nicole, ang kagandahan ni Rozz at kaguwapohan ni Sir David. At lahat ng mga scene ng dalawa ay talagang kaiinlaban at kakikiligan ninyo.
By the way, released na globally ang Joke Lang ni Rozz na composed ng good friend niyang si Doctor Mon Del Rosario na iconic na sa Philippine Music Industry. This is distributed by DistroKid. You can streamed this song on Spotify, iTunes, Apple Music, Deezer, and other digital music platforms.
Mapapanood naman ninyo ang Joke Lang music video, sa official Youtube Channel ni Rozz Daniels also at her Facebook Account Rozz Daniels.
Every Saturday, 8:00 PM to 9 PM ay pine-play namin ang said music video ni Rozz sa aming weekend showbiz radio program sa DWIZ 882. Na napapanood rin sa aming Facebook Live ng DWIZ 882 at Live Streaming sa Youtube channel na DWIZ 882. Also at Aliw Channel 23 at iba pang Cable Networks.
Happy pala si Rozz, sa mga natatanggap niyang positive reviews ng music video nila ni Sir David. And for the very first time ay kakantahin pala ng live ni Rozz, ang Joke Lang sa kanyang nalalapit na Christmas Mall show sa Ali Mall, Araneta City. Gaganapin ito ngayong November 28(Saturday) from 3:00 PM to 6 PM sa Activity Center ng nasabing mall. Kita Kits!