Advertisers
Ni Rommel Gonzales
“Yung first reaction ko? ‘Kaya ko ba ito?’
“Kasi si direk Sigrid yung mga sinusulat niya ito yung mga pangarap ng mga aktor e, na roles!
“Kasi yung mga characters ni direk Sigrid, complex, out-of-the-box. So sabi ko nga, ‘Ang suwerte ko naman kung talagang ako na ito!’
“So iyon medyo, iyon nga, nakuwestiyon ko yung sarili ko kung kaya ko siya. So iyon.
“Sana naman. Hindi ko pa napapanood.”
Pero ayon sa leading lady ng pelikula na si Andrea Brillantes (bilang Sab), kayang-kaya ni JC ang karakter na ginampanan niya bilang si Tuki.
Nagkuwento naman si JC tungkol sa shooting experience nila ng “Laya” sa Cebu, lalo na sa mga eksenang may kasama silang mga Butanding o whale sharks sa dagat.
“Ang sarap,” bulalas ni JC.
“Kasi first time ko ring makakita ng whale shark. “Pag nakita mo sila, parang, intimidating, nakakatakot,” at natawa ang aktor.
“Pero kapagka nagsu-swimming na sila sa harap mo, mas natatakot pala sila sa iyo.
“And these are gentle giants, they’re so cute, tapos ang laki ng bibig nila parang papasok ako. Ha! Ha! Ha!
“And the people, I love the people and I love the food and sabi ko nga sobrang welcoming palagi ng Cebu, sana lagi akong nandun.”
Mula sa Rein Entertainment, palabas na sa mga sinehan ngayong November 25 ang “Laya”.
May kakaibang itsura si JC sa pelikula.
Paliwanag ni JC, “Meron kasi siyang skin condition, si Tuki, and makikita niyo, para din siyang butanding.
“It’s all full-on prosthetics na hindi puwedeng matanggal sa tubig. So napakatibay niya.
“Hindi na matanggal sa akin halos hanggang pag-uwi ko ng Maynila,” at muling natawa si JC.
Anong eksena sa pelikula ang sumubok kay JC bilang artista?
“One scene? Marami, pero I think ito na yung isang pelikula na napakadaming beses kong umiyak!
“Baka ito na.
“Lahat challenging e, kasi iba yung psychology ng character ko dito, e.”