Advertisers

Advertisers

Bianca Gonzalez, pumalag sa netizen na muling inungkat ang isyu nila ni Zanjoe Marudo matapos ang 20 taon

0 79

Advertisers

Ni Anne Venancio

Muling nabuhay ang kontrobersyang kinasangkutan ni Bianca Gonzalez noong 2006 sa unang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition matapos balikan ng isang netizen ang pagiging malapit niya noon kay Zanjoe Marudo habang may boyfriend siyang si Lino Cayetano.

Nagsimula ang usapin matapos magkomento si Bianca tungkol sa mga housemate ng kasalukuyang season ng PBB. Isang netizen ang nagbanggit sa dating kontrobersiya, kung saan naging usap-usapan ang closeness nina Bianca at Zanjoe na naging dahilan din umano ng hiwalayan nila ni Lino.



Diretsahang sinagot ni Bianca ang komento at sinabing matagal na niyang pinagsisihan at napatawad ang sarili sa naging pagkakamali.

Iginiit din niyang matagal nang nakapag-move on ang mga taong sangkot at mayroon na silang kanya-kanyang pamilya.



Aminado si Bianca na nalungkot siya na muling binuhay ang isyung halos dalawang dekada na ang nakalipas.

***



Ahtisa Manalo, Gazini Ganados at Yllana Aduana, ibinuking kung bakit milyon ang gastos sa beauty pageants

Hindi pala basta ganda, confidence at magandang walk ang puhunan para maging beauty queen dahil umaabot sa milyon-milyong piso ang gastos sa pagsali sa beauty pageants!

Sa guesting nina Ahtisa Manalo, Gazini Ganados at Yllana Aduana sa Fast Talk With Boy Abunda, ibinahagi nila kung gaano kamahal ang paghahanda sa beauty competitions.

Ayon kay Ahtisa, puwedeng magsimula sa P250,000 ang budget, pero maaari itong umabot sa ilang milyon depende sa team, photoshoots at content production.

Samantala, sinabi ni Gazini na nasa ?500,000 ang baseline budget para makagawa ng quality content, lalo na ngayong mas mahal na ang production costs.

Si Yllana naman, hindi lumagpas sa ?2 milyon ang nagastos sa national pageant. Binigyang-diin din nilang malaking tulong ang sponsors at financial support sa mga kandidata.