Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Parang nanaginip nang gising ang mga K-drama fan nang masaksihan ang pagsasama sa iisang entablado ng Kapamilya star na si Anne Curtis at Korean superstar na si Gong Yoo sa kanyang Manila fan meeting.
Pero higit kanino man, si Anne ang tila pinakamasuwerteng babae nang personal niyang makaharap ang aktor na matagal nang hinahangaan ng maraming Pinoy dahil sa mga patok nitong Korean dramas at pelikula.
Hindi tuloy nakaligtas sa pang-aasar ng netizens ang fangirl moment ni Anne. Marami ang nagsabing sana sila na lamang ang nasa estado ng aktres.
Lalong naging nakaaaliw ang kanilang palitan nang biruin si Anne tungkol sa pagkanta. Sa halip na magpakitang-gilas, pabirong tumanggi o umatras ang aktres at sinabing mapapahiya siya.
Hindi rin pinalampas ni Karylle ang pagkakataon na asarin si Anne nang banggitin ang iconic red scarf na iniuugnay sa hit Korean series na Goblin, na pinagbidahan ni Gong Yoo.
Kaya naman bumuhos ang kilig at inggit sa social media. Para sa maraming fans, hindi ordinaryong hosting assignment ang ginawa ni Anne kundi isang pagkakataong makaharap nang personal ang isa sa kanilang ultimate Korean heartthrobs.
Kung may babaeng maraming kinaiinggitan ngayon ng mga K-drama addict, walang iba kundi si Anne Curtis!
Sa naturang fan meet, nakadaupang palad din ni Gong Yoo ang ilang kafaneyan.
Katunayan , may tumawag pa nga sa kanyang “baby.”
Sey naman ni Anne, bilib daw siya sa pagiging walang hiya o Brave ng mga Pinoy.
***
Pahayag ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto kOgnay ng mga reklamong natanggap laban sa “Pinoy Big Brother Collab 3.0
Nakatanggap na ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng mahigit 1,300 reklamo mula sa mga manonood na nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa mga nagdaang episode ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 hanggang Huwebes, Nobyembre 19, 2026.
Mula nang maupo ako bilang pinuno ng MTRCB, kakaunti pa lamang ang mga programa sa telebisyon na nakatanggap ng kasingdaming reklamo at komento gaya ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 nitong mga nakaraang araw.
Sa mga magulang na nagbahagi ng kanilang mga puna at saloobin, naririnig namin kayo. Maraming salamat sa paglalaan ninyo ng panahon upang sumulat at iparating sa amin ang inyong mga hinaing.
Pinahahalagahan ng MTRCB ang kahandaan ng ABS-CBN na makipagpulong sa amin at ang pangako nitong isulong ang responsableng sariling regulasyon.
Umaasa akong magsisilbing sapat na paalala sa ABS-CBN at sa buong PBB team ang napakaraming reklamong natanggap upang lagi nilang isaisip kung sino ang mga nanonood ng kanilang programa sa kani-kanilang tahanan.