Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ANG content creator na si Viy Cortez Velasquez at ang panganay na anak nila ni Cong TV na si Kidlat ay opisyal nang ipinakilala sa media noong Sabado ng hapon sa Hotel Rizal Park bilang brand ambassadors ng Morris Biscuits PH.
Sa naganap na mediacon para sa mag-ina ay si Viy lang ang present. Wala si Kidlat dahil may inuubo ito. Pero sinamahan si Viy ni Cong TV kaya join na rin ang sikat na content creator sa mediacon.
Ayon kay Viy, bago nila tinanggap na maging brand ambassadors ng Morris Biscuits ay pinatikim muna nila ito kay Kidlat.
“Pina-try ko kay Kidlat,’yummy, masarap? Tapos lagi niya nang ini-snack. Sinabi ko kay Ma’m Dianne, sa manager,”Ma’m nagustuhan niya. Parang okey kaming mag-endorso.
“So, ganun siya nagiging involve. Dapat siyempre, kinakain niya. Paano kaming gagawa ng video na kinakain niya kung hindi niya magugustuhan ‘yung lasa?”sabi ni Viy.
Kamusta naman sina Cong TV at Viy bilang mga parents ni Kidlat?
Sagot ni Cong TV,”Ano..,good cop. Bad cop. Ganun ang style namin ni Viy.
“Ako yung bad. So, ako lagi ‘yung masama sa paningin ni Kidlat.
“So ako yung tagapigil sa kanya sa mga bagay na ;’pag alam kong sumusobra na siya.
“And si Viy yung takbuhan niya.
“Pero minsan, nagkakabaligtad naman. Minsan ako naman ‘yung ganun.
“Pero mas madalas ako lang yung nandun sa side na yun, na ako yung masama.”
Ayon kay Viy, hindi raw niya kaya kapag alam niyang pinapagalitan na ni Cong TV si Kidlat.
“Kapag iniiyakan niya ako, sasabihin ko sa kanya, na sasabihin ko na agad kay Daddy.
“Kasi si Daddy ang magsasabi na stop na. Ganyan, ganyan,”
Sa kayang Facebook account ay nag-post si Viy, na natutuwa siya na kiniuha sila bilang endorsers ng Morris Biscuits.
Post niya,”Malaysian brand Morris Biscuit is finally here in the Philippines!
We’re beyond happy and grateful that our family has been chosen as their official endorsers!
What makes this partnership even more special is that we get to represent a brand that our whole family genuinely enjoys, especially our kids! Nothing makes us happier than being part of something we can enjoy and share together as a family. =
Congratulations, Morris Biscuits! Here’s to a sweet and exciting journey together! =
Ang owners ng Morris Biscuits ay sina Patrick Ong at Lawrence Ng.