Advertisers

Advertisers

JK Labajo ‘no show’ sa CinePanalo awards night

0 20

Advertisers

Ni Beth Gelena

Hindi basta nagningning—rumampa at nangibabaw ang mga pelikulang tumanggap ng pinakamalalaking pagkilala sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026 Awards Night.

Sa gabing ipinagdiwang ang husay ng mga filmmaker at artista, kapansin-pansin ang mga pelikulang nag-uwi ng mahahalagang tropeo, kabilang ang mga nagwagi sa Best Actor, Best Actress, Best Director at iba pang pangunahing kategorya.



Kabilang sa mga tampok na pelikula ang “Mono No Aware,” “Limlim,” “Kun Hain, Bisan Diin” at iba pang entries na nag-iwan ng marka sa prestihiyosong festival.

Sa acting categories, kapwa umani ng atensiyon ang mga nagwaging Best Actor at Best Actress na sina JK Labajo at Xyriel Manabat atat sa direktor naman ay kinilala sina Samantha Palaje para sa “Limlim” at Jomarie Corro-Reyes para sa “Kun Hain, Bisan Diin.”



Samantala, sa huling hatol para sa short-film category, itinanghal na Pinakapanalong Maikling Pelikula ang “Limlim,” na nagdagdag pa sa matagumpay nitong gabi sa CinePanalo.

Siyam na panalo ang nasungkit ng Mono No Aware kasama ang 1st Best Picture.



But sad to say ‘no show’ si JK sa nasabing awards night kaya hindi niya personal na natanggap ang kanyang tropeo.

***

Boss Vic, may pahiwatig sa pagbabalik-trabaho ni Sarah G

Nakuhanan ng pahayag si Boss Vic del Rosario tungkol sa update kay Sarah Geronimo.

Ayon sa nagtanong, “Boss Vic, baka madulas ka ha. Kamusta na po ngayon si Sarah Geronimo?”

Kaaliw naman ang producer nang sumagot, aniya, “Si Sarah Geronimo next year magtatrabaho na (sabay ngiti). Yun lang ang masasabi ko.”

E, sadyang makulit ang nagtanong at gusto talagang pigain ang tinaguriang pangalawang ama ng “Royalty Princess,” kaya gusto pa nitong malaman ang buong katotohanan tungkol sa kalagayan ng singer.

Ani Boss Vic, “Eh ayokong nanggaling sa akin… parang alam na naman ng lahat na tao na hindi talagang pwedeng magtrabaho si Sarah… hanggang dun lang.”

Dagdag pa niya, “Sa ngayon talagang hindi pa pwede magtrabaho kaya enjoy lang happy life.”

Dahil dito, nagsulputan ang iba’t ibang reaksiyon ng netizens, kabilang ang mga nag-iisip na maaaring may kaugnayan sa pagbubuntis ang pansamantalang pagliban ni Sarah sa trabaho.

“bawal magwork sa ngayon kase nga Buntis na ayiieh sana Girl maging baby nila hihi para mini SarahG”
“Di tayo sure sa ‘next year’..eme”
“Yes yes yes confirmed”
“parang gusto kuna maniwala…
boss Vic na nagpahaging hopefully”
“Congrats ms sarah g,,deserves mo yan as happy wife n mother n father to be soon”
“Yayy buntis nga talaga haha”
Sa ngayon, wala namang direktang sinabi si Boss Vic na buntis si Sarah.
Ang malinaw lamang sa kanyang pahayag, hindi pa maaaring magtrabaho ang singer sa kasalukuyan at nais muna nitong i-enjoy ang kanyang happy life, habang ang pagbabalik niya sa trabaho ay tinukoy na posibleng mangyari sa susunod na taon.

***

JOSHLIA, UMARANGKADA AGAD! P1.5M PRE-SALES ANG MOVIE

Umaarangkada na agad ang pelikulang pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto!

Umabot na sa P1.5 milyon ang pre-sales nito at patuloy pa ang pag-akyat, patunay sa matinding excitement ng fans na muling makita sa big screen ang tambalang JOSHLIA.

Lalong pinag-uusapan ang pelikula dahil sa magagandang unang reaksiyon ng critics at reviewers, na ilan ay pumuri rito bilang JOSHLIA’s Best Film to date.

Kaya naman alamin kung bakit muling pinagkakaguluhan ang legendary love story ng JOSHLIA?