Advertisers
Ni Beth Gelena
Pinag-uusapan sa online platforms ang larawan na ibinahagi ng dating child star Maybelyn Dela Cruz-Fernandez na kuha sa Japan.
Ayon kay Maybelyn, ilan linggo nang nakatago sa kanyang camera ang kuha nilang larawan mula sa kanilang pagbabakasyon kasama ang anak na si Olivia at ang mister na si Michael sa Adashino Nenbutsuji Temple sa Kyoto.
I-edit umano niya ang nasabing larawan kaya dinagdagan niya ang brightness upang mas maging malinaw ang mukha nilang kuha.
Laking gulat daw niya nang makita ang tila isang kamay na nakapulupot sa leeg niya kahit wala namang ibang taong nakatayo sa kanilang likuran.
Sa halip na magbigay ng anumang konklusyon o magpadala sa takot sa kanyang nakita, kalmadong humiling na lamang si Maybelyn ng maikling panalangin mula sa publiko upang makatagpo na ng ganap na kapayapaan ang sinumang nagpakita sa kanilang family photo.
Aniya sa caption, “A hand was wrapped around my neck in my camera roll for weeks—and I had no idea until I turned up the brightness this morning,” pagbabahagi ni Maybelyn.
Dagdag pa niya, “Slide 1 is our “then and now”: Michael and me at Arashiyama Bamboo Forest in 2015, and our recreation at Adashino Nenbutsuji Temple with #mylittlemissolivia.”
Nais umano niyang liwanagan ang anino sa mukha ng anak nang mapansin ang tila kamay na nakapulupot sa kanyang leeg kahit walang tao sa likuran nila.
“This morning, I finally went to brighten the shadows on Olivia’s face—and my stomach just dropped. Nobody was standing behind us when we took this photo, yet there is clearly a hand wrapped around my neck,” aniya.
That time ay kalmado lang daw siya at humiling siya ng panalangin. “Adashino Nenbutsuji has been a resting ground for forgotten souls for centuries. Rather than react with fear, I am asking for your kindness. Hope you can say a prayer so whoever reached out to us that day may finally find peace,” aniya.
Komento ng netizens: “luh sinakal sya”
“Bka nka AI mode Yun cam nya Mukha sya scarf . Dpat nilinaw nya kung may suot sya scarf o nka turtle neck sya .”
“Hala Yung kamay may leeg”
“Mrami tlga Jan s Japan based experience my titA”
“Kamay naparang sasakal”
Paalala ng isang commenter: “Dapat pag pupunta sa isang lugar dito sa japan magdadala ng asen dito maraming di natin nakikita ang pedeng lumapit sayo Lalo sa mga sementeryo”
“Me maligno naman talaga maski saan depende sa nakakadama nakakakita at sa pinapakitaan – kaya nga me paranormal studies”
“Premonition.”
Si Maybelyn ay unang nakilala bilang child star noong dekada nobenta sa sikat na comedy show na Home Along Da Riles.
Matapos lisanin ang showbiz, ikinasal siya kay Michael Fernandez noong 2008 at nagsilbi rin bilang konsehal sa Dagupan City habang nakatuon sa pag-aalaga sa kanilang pamilya at mga gawaing pangkomunidad sa Pangasinan.