Advertisers

Advertisers

MGA SENIOR CITIZEN AT MGA PWD, HINDI KINIKILALA SA MANILA CITY HALL

0 8

Advertisers

Hindi umano kinikilala ang mga Senior citizen at mga Person With Disability(PWD) sa Manila city hall na kung saan sila ay hindi binibigyan ng pribilehiyo at konsiderasyon.

Ang ating mga nakakatanda at mga kababayan nating may kapansanan ay tinatratong tulad din ng karamihan na kinabibilangan ng mga kabataan at mga taong malalakas pa at normal pa ang kalagayan.

Wala at hindi uso dito ang courtesy lane at priority lane na para lang dapat sa mga senior at PWD. Dito ay sama-sama kayonglahat sa isang pila matanda man o’ bata, may kapansanan mano’ wala.



Kahabag-habag ang naging kalagayan ng mga ito gayong sila ay obvious namang mahina na ang pangangatawan at uugod-ugod pa. Maliban dito, ilan din ang makikita nating nakasaklay nguni’t sila ay sunod pa rin sa pila na nakatayo rin ng ilang oras.

May ilan din tayong nakitang mga bulag at mala-labo ang mga mata. Sila ay inaalalayan na lang ng kanilang kamag-anak at mga kaibigan nguni’t obligado pa ring pumila at maghintay ng ilang oras kasama ang karamihan.



Ang insidenteng ito ay naganap sa opisina ng Real Property Tax payment na kung saan nila babayaran ang kanilang amilyar ng kanilang lupa’t ari-arian.

Napag-alaman natin na hina-habol ng ating mga senior at PWD ang 20 percent discount na binibigay ng lungsod ng Maynila sa mga maagang makakabayad bago sumapit ang Disyembre 10 kung kaya’t mahaba ang pila.



Sayang din nga naman ang diskuwento at malaki rin ang kanilang matitipid kung kaya’t sila ay nagharimonan at umasang hiwalay ang kanilang pila sa karamihan.

Ganon na lamang ang kanilang pagkadismaya sa kadahilanang hindi pala kinikilala dito ang mga senior at PWD. Sama-sama palang lahat at walang courtesy at priority lane na kanilang inaasahan.

Bagama’t matatanda na at may mga kapansanan, nabibilang pa rin sila sa mga law abiding citizen na hindi nakakalimot na bayaran ang kanilang amilyar sa lungsod ng Maynila, konting unawa at kosiderasyon lang naman ang kanilang hinihingi, hindi pa binigay.

Maraming ahensiya na daw ang kanilang napuntahan, pribado man o’ gobyerno nguni’t bukod-tanging dito lang daw sa Manila city hall na isang government agency pa man din ang hindi nila nakitaan ng malasakit at respeto.

Ang bantay o’ gater sa nasabing opisina umano ang nagmamando na sila ay pumila ng maayos dahil sa wala daw silang binibigay na pribilehiyo maging senior man o’ PWD kung kaya’t dapat ay pumila rin tulad ng karamihan.

Kuwinestiyon daw nila ang guwardiya kung bakit walang courtesy lane para sa kanila nguni’t walang ibang tinugon ito kundi” wala daw siang magagawa dahil sa sumusunod lang sila sa utos ni Mayora Honey Lacuna”.

Kung ano man daw ang reklamo, sinabi ng guwardiya na kay Mayora na lang daw sabihin na nasa kanyang kuwarto sa pangalawang palapag.

Kung totoo ang deklarasyon ng guwardiya, sinabi ng mga senior citizen na si Mayora Lacuna na siguro ang pinakamalupit na naging Alkalde ng Maynila na walang habag at respeto sa kanyang mga constituents na mga senior at PWD.

Noong termino ni yumaong Mayor Alfredo Lim, V.I.P. at ibang klaseng importansiya ang binibigay sa mga taxpayer, nandyan na ang libreng kape, komportableng mga upuan at naka centralized air condition na kuwarto habang sila ay naghihintay.

Bakit kamo? Simple lang naman ang sagot na dapat na malaman ng maski na sinong public servant partikular na ang isang Punong Lungsod. Ang rason ay hindi daw aasenso at uunlad ang isang munisipalidad at lungsod kung walang mga taxpayer.

Sa panig naman ni Mayora Lacuna, hindi naman siguro ipag-uutos nito na huwag bigyan ng konsiderasyon ang mga senior citizen at mga PWD dahil edukado at matalino naman ang pinagpipitagan nating Alkalde.

Huwag po sanang palagpasin, kuwestiyunin at imbestigahan mabuti ang sinasabing guwardiya na ginamit pa ang pangalan ng Mayora dahil sa malaking kasiraan ito sa kanyang mabuting pagk-tao gayundin sa lungsod ng Maynila.